Prologue

32 2 0
                                    

---

"Ah shit! That's it, I'm out!" galit na sigaw ko pagkatapos matalo sa video game na nilalaro. Sumandal ako sa swivel chair na inuupuan at bumuntong hininga. Palagi nalang ganito, palagi nalang talo. Tsk.

"Kuya! Dinner is ready, come on!" sigaw ng kapatid ko galing sa labas.

"Oo, wait lang!" sigaw ko pabalik saka inayos ang kalat sa gaming table ko.

"Um...what is this?" may nakapa akong libro sa likod banda ng computer, sinilip ko ito at kinuha.

"A book? What's a book doing here? Nah, baka naiwan ni Claire dito," it is indeed a book, but a weird one. I mean the designs seemed old fashioned.

"But...why would Claire read a book like this?"
Curiousity pushed me to open the book.

"..." I frowned after seeing that the book had no content. It was completely blank.

"Oh, there's no title either?" nagtatakang tanong ko sa sarili at binuklat pa ang libro.

"Wala talagang laman. Then...what is this for? A diary?"

I tried looking at the last page of the book but still saw nothing, lahat ng pahina ay blanko.

It's not like Claire would put this here? Saka walang laman ang librong to, paano niya babasahin? I asked in my mind.

"Ah, better give it to her mamaya, baka project niya." sambit ko at inilagay sa mesa ang libro.

Tumayo ako at akma na sanang aalis nang biglang may umilaw.

Nagulat ako at napa atras ng tatlong beses. Hinanap ko kung saan nanggaling ang liwanag at ganun na lamang ang pagkagulat ko ng nakitang umiilaw ang librong walang laman.

What is that?

The pages were moving on its own and the light is getting bigger and bigger.

"W-woah..." wala sa sariling sambit ko dahil sa pagkamangha pero ang kasunod na nangyari ang siyang nagpamura sakin.

May kung anong enerhiya ang humihigop sakin papunta sa libro. I tried to resist, held the nearest things on me, pero parang may kung anong bagay talaga ang humihila sakin.

"Fvck!" malutong kong mura nang madulas ang kamay ko sa mesa ng TV.

It's kinda weird but I felt like I was being swallowed, into the book.

Malakas na enerhiya ang humila sakin papunta sa lumalaking liwanag ng libro. Sumigaw ako ng buong lakas pero nilamon na ako nang nakakasilaw na liwanag.

"Kuya?" That was the last words I heard before I lost my consciousness.

***

"Bilisan niyo at kumuha kayo ng tubig, bago pa magising ang Kamahalan."

"M-masusunod, Nana Eda."

May naririnig akong ingay. Ingay ng mga taong nag-uusap, mga naglalakad at nagmamadali.

"Ano bang nangyari? Bakit bigla nalang hinimatay ang kamahalan?" tanong ng isang babae na nahuhulaan kong may edad na base sa boses nito.

"H-hindi rin namin alam, Nana Eda. B-baka pagod lamang ang kamahalan," sagot ng isang babae.

Shit, nasa'n ba ako? Why am I feeling weird?

Slowly but slowly, I tried to open my eyes. A blinding light welcomed me kaya ipinikit ko ulit ang mga mata. At sa pangalawang pagkakataon, minulat ko ulit ang mga mata ko at hinayaang bumalik sa normal ang paningin.

Narinig kong biglang nagkagulo ang paligid.

"Gising na siya! Gising na ang kamahalan! Dali! Kumuha kayo ng isang basong at gamot!"

CLOAKED IN ROYALTYWhere stories live. Discover now