Chapter Seventeen

6 1 0
                                    

---

"Pero huwag kang mag-alala, Kamahalan. Hindi ko ho ipagkakalat ang kung anuman ang pakay ng paglabas mo sa palasyo. Hindi ho ako iyong tipong mahilig magkalat ng impormasyon. Matanda na ho ako. Malaki ho ang respeto ko sa inyo."

---

Chapter Seventeen

I am definitely not the type of person who can easily break a rule. Minsan nga grabe na ang kaba ko sa maliit na bagay na pagkakamali. I remember that one time na hindi ako pinapasok ng babaeng guard sa campus namin dahil naka white shirt ako. Mandated raw ng campus head na magsuot kami ng "UNIFORM", not a white shirt.

At that time, hindi raw nila ako papapasukin hangga't hindi ako naka uniform. I was scared to my wits because my first subject is a major course. Kahit anong rason ko ay hindi sila pumayag. Muntikan na nga akong umiyak. But, it seems like God still pitied me. Because one of my senior saw my situation. Sinamahan niya ako ng ilang minuto sa labas ng gate hanggang sa nakita namin ang nagkukumpulan ng mga estudyante na papasok. My senior let me hide behind her and covered me so that the lady guard won't notice me.

Grabe ang kaba ko nung time na 'yun, but successfully, nakaabot ako sa first subject ko. Pinangako ko nun sa sarili ko na huwag nang tamarin sumuot ng uniform unless it's friday.

Now that I'm remembering it, look how nostalgic my univ student days are.

"Ano hong nakakatawa?"

Agad akong bumalik sa reyalidad pagkarinig ng boses. Bumaba ang tingin ko sa isang pares ng mata na mariing nakatitig sa akin.

"Kailangan ko bang sabihin sa iyo?" Nakataas na kilay na tanong ko.

"Hindi naman po, Kama—Cairo. Nagtatanong lang, hehe."

Napailing ako. What should I do with her, really?

"Oh, right. Di'ba palagi kayong namamalengke dito sa bayan? Mayroon ka bang alam na lugar na pwedeng mabilhan ng mapa?" I asked after setting aside the cup that is already empty.

Napatingala si Ehya at inilagay sa kaniyang baba ang kaniyang daliri. "Mapa? Bakit niyo ho kailangan ng mapa?"

I heaved a sigh, "Tinatanong pa nga kita tapos tatanungin mo rin ako?"

She smiled awkwardly and scratched her head, "Nagtatanong lang, hehe. Pero kung tungkol ho sa mapa...ang alam ko'y kapag may mga manlalakbay ay kakailanganin nila ito. Ibig sabihin mayroong binibenta dito kaso...hindi ko lang alam..."

Napatango ako sa sinabi niya. First things first, I need a map of the whole kingdom. Pero agad rin akong napatampal sa aking noo nang may maalala.

Shit...I know his name but not his face. That Lionel...I only heard that person's voice and name but not his face. It was dark that time.

Bigla akong napakagat sa aking kuko as a form of habit. How will I be able to find that man? And first of all, where does he live?

"Kamahalan?"

I looked up to Ehya. Nag-aaalala itong nakatingin sa akin. "Alam mo kung ano ang pakay ko, di'ba? Kung bakit ako umalis ng patago sa palasyo?"

She nodded and gulped. This woman may be slow but she's not dumb. She's just acting that way because that's how everyone perceives her to be.

"May hinahanap ako. For now, hindi ko masabi sa iyo ang rason pero importanteng tao ito. Siya lang ang makakasagot sa lahat ng tanong na mayroon ako. Kaya Ehya..." Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa kaniya, "I need your cooperation on this one. Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko sa oras na ito. Kailangan nating itago ang ating katauhan at huwag ipaalam kahit kanino man."

CLOAKED IN ROYALTYWhere stories live. Discover now