---
Magagalit ho 'yun sigurado...hala, nagbubuo ka ho ba ng digmaan? Kasi ikaw lang po ang magiging rason ng hari na gumawa ng digmaan lalo na't mahal na mahal niya kayo. Tapos heto ka ngayon, lumalabas ng hindi nagpapaalam. Tapos tinatago ang katauhan at tinatanggi ang hari...hala, kamahalan, hindi niyo na ho ba mahal ang hari?"
---
Chapter Sixteen
"Tandang Sora, isa pa nga hong mangkok ng pansit!"
Agad nanliit ang mata ko sa walang hiyang babaeng nag-oorder ng pagkain na akala mo siya yung babayad.
"Kamahalan, sinasabi ko ho sa inyo, napakasarap ng pansit dito ni Tandang Sora. Subukan niyo po, sigurado akong makakalimutan mo ang pangalan mo!" Maligayang sambit nito bago hinigop ang sabaw sa mangkok.
I can't believe that this woman is from the palace. The way she acts, the way she talks...napailing na lamang ako.
I am currently sipping my tea as I am trying to observe my surrounding. Narito kami ngayon sa isang lumang kainan kung saan ako dinala ni Ehya. Iyon ang kaniyang pangalan. Nagtataka rin ba kayo kung paano kami nakalabas? Heto 'yun.
***
"Eh, di'ba sabi niyo ho lalabas kayo ng patago? Paano ho kayo lalabas gayung may bantay sa tarangkahan?" Inosenteng tanong nito.
Napapikit ako. Nag-iisip parin naman pala siya, kala ko talaga...nevermind.
"The walls..." mahinang sambit ko habang nag-iisip.
"Ha?! Eh, ilang dipa po ang taas nun!"
"Sshh..." Agad na pagpatahimik ko sa kaniya.
"Alam ko, alam ko, okay? Hindi mo naman kailangang isigaw," I said, almost mad.
"Ay, sorry ho..." Agad niyang tinabunan ang bibig at luminga-linga.
"Eh...bakit ho ba kayo lalabas ng hindi nagpapaalam, Kamahalan?"
"May hinahanap ako..."
"Ano po 'yun?"
"Tulungan mo muna akong makalabas bago ko sasabihin."
"Ay, sige po...ay sandali, paano ho tayo lalabas?"
Napakamot ito sa ulo niya sabay kunot ng noo. Napakamot rin ako sa pisngi ko habang nag-iisip. Kung ako lang siguro mag-isa'y kanina ko pa naplanuhan kung paano lumabas. But I'm being held back by this woman, and I was the one who offered to bring her with me or else I'll get in trouble earlier.
"Ay, mayroon pong karwahe sa likod na ginagamit po namin tuwing lumalabas at bumibili kami sa palengke..."
Biglang sagot ng babae pero napahinto ito at napaisip. My eyes lit up.
"Then we can use that-" But I was cut-off.
"Kaso po...hindi ako marunong...magmaneho..." she stated, and shyly looked up to me.
"Seriously?" Tanong ko nang hindi makapaniwala.
Napatango siya ng ilang beses at napakagat sa kuko niya.
"I'll do it. But...I need you to do something else to help us successfully go out."
Agad na napatango ang babae. Kaya sinabi ko sa kaniya ang plano namin. I offered to drive the carriage. Hindi naman gaano kahirap, kailangang marunong lang humila ng lubid ng maayos upang mapasunod ang mga kabayo.
YOU ARE READING
CLOAKED IN ROYALTY
FantasyAkala ko sa mga anime at fantasy novels ko lang makikita at mababasa ang tungkol sa tinatawag na "transmigration". Didn't thought it would also happen to me. However, just what kind of mystery lies with the reason of me transmigrating and being call...