---
"I hate humans." mahinang sabi nito.
"Yes, you hate them. That's why you need to run far, far away and hide. You need to get yourself stronger so humans won't be able to hurt you. Go."
---
Chapter Four
It was black. There's a black thing hanging on the window. Hindi ko alam kung ahas ito pero malaki siya, mayroong maliit na pakpak at may apat na paa. It has blue eyes, however...it looked so cute! Is this...a dragon? It's just my hunch but it does look like a dragon?
"You are not him." ulit nito.
"Ha?" nagtatakhang tanong ko rin.
"Your mana...your mana is weak. That guy's mana is strong. And your soul...I smelled it, it was different than him." maiging tumitig sa akin ang maliit na dragon.
Kinabahan ako sa sinabi nito. This is bad. May napagsabihan na kaya ito tungkol sa nadiskubre niya? Napalunok ako.
"A-anong ibig mong sabihin? H-hindi kita maintindihan." pagkukunwari ko.
"Stop acting. If you're really him then you know my name. He already told the original Julius about me. Huh?" pagpupumilit nito. Tumalon ito mula sa bintana at mahinhin na naglakad papunta sa akin.
I stayed at the bed. I did not move an inch while the little thing kept on coming to me. Umakyat ito sa ibabaw ng kama at tumitig sa akin. "See? Hindi mo alam." deklara nito.
I cleared my throat. I don't think I can cover up anything, kung ang dragon na ito ang kaharap ko. I always know that dragons have magic and mana on their body. It is a natural thing when it comes to dragons in video games. I would always encounter them.
So, kung may irarason man ako sa oras na ito, wala na akong kalaban-laban dahil simula palang tama na ang hinala nito.
"And...what will you do after finding out that I'm not the real Julius?" panghahamon ko dito.
Napatitig ito sa akin. "Mahina ka. Mahina ang mana mo, kahit na ang totoong Julius ay hindi marunong gumamit ng mahika noong malakas ang mana niya." Napahinto ito sa pagsalita, subalit nagpatuloy rin, "Pwede kong itago ang sikreto mo. Nakikita kong wala ka namang masamang intensyon. Subalit, hindi ko matatago ang sikretong ito ng napakatagal sa mahal na hari. Malakas ang mana ni Al, darating ang araw na malalaman niyang hindi ikaw ang totoong Julius base sa mana mo. Kaya, pahihiramin kita ng mana ko at babantayan."
The little thing seemed certain with his words dahil nakataas-noo pa ito habang nagsasalita. However, the only thing I can see is mayabang na cute na dragon. Haha!
"What's the condition, though? Imporsibleng wala." tanong ko dito.
Napatingin ito sa akin at napakunot ang noo nito. "There's none. Hindi naman ako manghihingi dahil binibigay na ni Al ang lahat sa akin. At hindi ko naman siya kailangang protektahan, gayung malakas naman ang mahika niya. Ikaw lang talaga ang mahina, hmp!" He mocked. Napangiwi ako sa sinabi niya. What's his deal?
"Then...bakit hindi mo sinabi sa kaniya agad ang alam mo?" intriga kong tanong. Hindi ako sigurado, pero ang bagay na ito ata ang naramdaman kong presensiya sa silid-aklatan ni Al.
"Wala ka namang masamang balak. I noticed your innocence. Wala kang plano na manira o gumawa ng gulo kaya hindi ko na sinumbong." hinaplos nito ang sarili niyang ulo na parang ito'y kumakati.
"What if...magaling lang pala akong magtago. What if...kaya kitang kitilan ng buhay ngayon?" pagbabanta ko rito.
Napatingala ito sa akin. "You'll not. Hindi ko nararamdaman." simpleng sagot nito at bumalik sa kaniyang ginagawa. He was really defenseless.
YOU ARE READING
CLOAKED IN ROYALTY
FantasyAkala ko sa mga anime at fantasy novels ko lang makikita at mababasa ang tungkol sa tinatawag na "transmigration". Didn't thought it would also happen to me. However, just what kind of mystery lies with the reason of me transmigrating and being call...