Chapter 33: Hello Again

22 1 0
                                    

The next day....

Umalis ako ng HQ(HeadQuarters) para mamasyal, na-miss ko tong lugar na to eh.

Nagpapasama ako kay Sel pero may gagawin daw siya. Si Sophia may date daw. Si Jasmine naman kasama si ate Keira may tinatapos din sa laboratory. Ayoko namang kasama yung mga boys.

Buti na lang andito si Alpha!

"Sam can you really go out like that?" Tanong niya sa akin.

"Wait may mali ba sa suot ko Alpha?" I asked.

"Wala naman, pero kasi kilala ka dati as a GLARE member at hindi pa rin alam ng mga fans na wala ka na sa grupo baka pagkaguluhan ka ng mga tao. Or baka lumabas sa media?" She said with so much concern.

"Oo nga pala. Hmmm... will shades do?" I asked her.

"Yup. So let's go?" Pag-aaya niya.

At eto kami ngayon. Palakad lakad sa mall. Tingin dito, tingin doon.

So far wala namang nakakilala sa akin.

Hanggang sa makarating kami sa isang kainan.

"Ako na mag-oorder Sam." Alpha

"Salamat." Ako

Tapos may isang batang lalaki na umupo sa harap ko.

"Uhm, baby boy that seat is taken wait are you alone?" I asked him.

Nag-smile lang siya sa akin.

Weird.

"Can I ask you something ate?" He said.

"Sure. What is it?" I said

"Are you ate Sasa of GLARE?" Bulong niya sa akin.

O_O

Nagulat ako sa binulong niya.

"Uhm no baby I'm not her." I said. Hindi ko pa nga inaalis yung shades ko eh.

"But you look like her." He said.

Ipinipilit niya talaga.

"I have a crush on her that's why I know. Don't worry I won't tell anyone." He said again.

Aba naman talaga tong batang to.

Tapos dumating na yung mga kasama niya, parents niya ata eh.

The Idol Project (Editing) ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon