After ng practice namin ni Prince dumiretso na ako ng kwarto para makapagpahinga.
Pagdating ng hapunan, sabay-sabay kaming kumain. Nasa gitna namin ni Queen si Prince, iniiwasan ko nalang magsalita para di na rin umumik si Prince. Ayokong mabadtrip na naman si Queen sa akin.
*Sigh*
“Kumusta pala yung sayaw niyo ni Prince, Sasa? Masiglang tanong ni Bubbles, parang di galing sa aksidente eh.
“Okay na. Bukas na pala ng gabi yun, free time mo ba? Pwede ka manood namiss kita eh!” I said excitedly.
“Yup. Clear na yung schedule ko by that time, kayo guys?” Sabay lingon niya sa mga kasama namin.
“Of course! I want to see how Prince and Sasa dance together!” Sigaw ni Nico. Ugh! They’re starting it again.
“Yeah! PriSa feels!” Anthony.
“Guys para kayong mga bata. Nakakatawa talaga kayong dalawa.” Zoe.
“Oo nga enjoy na enjoy kayo.” Pambabara ni Macey, sabagay, siya yung pinaka-close kay Queen, besides mas matagal na silang magkasama.
“But seriously Prince, may chemistry kayo ni Sasa.” Bubbles.
Tapos biglang ngumiti si Prince.
“You smiled! I never see that kind of smile from you for a long time. Aww. I think Sasa is doing a great job!” Dagdag ni Bubbles.
Bigla akong nasamid sa sinabi niya.
Biglang tumayo si Yuan at Prince para mag-abot ng tubig.
“Ako na.” Pag-aalok ni Bubbles.
Ako lang ba o talagang may namumuong tension?
“Guys can you please be quiet? We’re eating here.” Yuan.
“Uh-oh. I think someone’s jealous.” Bulong ni Nico pero narinig ko pa rin.
“I’m done. Got to go.” Biglang tumayo si Queen tapos umalis na.
Walk out queen talaga yun. -_-
Parang feeling ko ako pa ata yung magiging dahilan ng pag-aaway away nila. Huhu!
Pagkatapos naming kumain, pumunta na kami sa kani-kaniya naming kwarto para magpahinga.
Medyo maaga pa kaya nagkwentuhan muna kami ni Bubbles, okay na rin to para makakuha pa ko ng mas madaming information since siya tong madaldal kaya di to makakahalata kahit madami akong tanungin.
BINABASA MO ANG
The Idol Project (Editing) ❤
Novela JuvenilThey call me Wise. I'm an agent. Mind over heart is my nature when it comes to work. Then one day, I met these so called idols and became a part of them, then I fell in love. The next thing I know, things are falling apart. Will I be able to make th...