It is a bright sunny day.
Ilang araw na rin kasi simula ng makabalik si Queen at Zoe at so far normal naman ang mga nangyayari sa paligid.
Maliban na lang sa amin ni Prince.
Ilang araw ko ng napapansin na naging wild yung personality niya.
Bumalik siya sa pagiging suplado.
Hindi ko na rin siya nakikitang tumatawa maliban na lang kung may camera. Mas napapalapit na ulit sila ni Queen sa isa’t-isa.
Pero ako, eto pretending to be ok.
And as usual busy much pa rin kami.
Inaasikaso kasi namin yung nalalapit na concert ng GLARE at ECLIPSE, pasasalamat na din sa lahat ng fans na sumusuporta. Pano kasi most talked about, most awarded at in demand pa rin yung groups namin idagdag mo pa yung mga solo activities ng bawat isa sa amin.
Papunta na ako ngayon sa rehearsal namin, medyo malapit na kasi yung concert. Kaya nagra-rush na kami. Pang-ilang araw na din namin to.
I will be doing a performance with Prince, Yuan, and Queen medyo awkward I know, ayoko nga sana pero wala akong magagawa. Hot topic daw kasi kaming apat. Fans lang naman nagpapalala eh. >3<
Nandito na ako ngayon sa venue ng practice namin.
Too bad, ako pa lang yung nandito plus the staffs, asan na kaya sila.
Lumabas muna ako para makalanghap ng sariwang hangin. Haha.
Tatawagan ko na sana si Bubbles ng bigla siyang bumaba mula sa sasakyan niya at kasama niya si Queen, Zoe, Nico at Anthony.
“Nasan sila Yuan, Macey at Prince?” Tanong ko kay Bubbles.
“Baka parating na. Oh eto na pala si Prince oh.” Bubbles.
Bat parang may kakaiba akong nararamdaman. Parang may masamang mangyayari. >3<
“Tara na sa loob?” Pag-aaya ni Bubbles.
“Mauna na kayo, antayin ko na lang sila.” I said.
Pumasok na si Bubbles, Zoe, Queen at Anthony sa loob habang nagpaiwan si Nico at Prince na kumakain sa may sulok.
“Pumasok na kayo guys. Sunod na lang ako.” Pamimilit ko sa dalawang kasama ko.
“Eh wala kang kasama dito Sa (short for Sasa).” Nico
Umiling ako.
“Ok lang.” I said and flashed my fake smile.
BINABASA MO ANG
The Idol Project (Editing) ❤
Novela JuvenilThey call me Wise. I'm an agent. Mind over heart is my nature when it comes to work. Then one day, I met these so called idols and became a part of them, then I fell in love. The next thing I know, things are falling apart. Will I be able to make th...