Hindi mo kailangang ihingi ng paumanhin o i-apologize ang bawat maliit na bagay.
Nasanay kasi tayo na kapag may kaunting awkwardness, kapag hindi natin na-meet agad ang expectation ng iba, o kahit kapag nagpapakatotoo lang tayo sa nararamdaman natin, automatic na "sorry" agad ang lumalabas sa bibig natin. Pero ang totoo, over-apologizing subtlely drains your confidence at parang binibigyan mo ang sarili mo ng kasalanan sa mga bagay na wala namang mali.
Huwag kang hihingi ng sorry dahil lang sa pinoprotektahan mo ang iyong inner peace. Huwag mong i-apologize ang pag-set mo ng boundaries, ang pag-prioritize sa self-care mo, ang pagiging tahimik kapag pagod ka, o ang hindi mo pag-agree sa opinyon ng nakararami. Hindi mo kasalanan na tao ka lang na may sariling pace, limitasyon, at diskarte sa buhay.
Sa halip na mag-sorry, pwedeng-pwede mo namang i-shift ang energy into gratitude. Imbis na "Sorry kung natagalan," pwede mong sabihing, "Thank you sa pag-antay." Imbis na "Sorry kung naging madrama ako," mas magandang, "Thank you sa pakikinig sa akin." Sa ganyang paraan, pinapanatili mo ang worth mo habang nagiging respectful pa rin sa iba.
Kaya naman, simulan mo nang i-save ang mga "sorry" mo para sa mga sitwasyong may nagawa ka talagang totoong damage o pagkakamali. Bawasan ang bigat sa system mo. You don't have to apologize for existing, taking up space, and just being human.
YOU ARE READING
YOUR SAFE HAVEN (SELF-HELP BOOK)
PoetrySet out on a journey to discover your self-worth, pursue personal growth, and create a life that radiates with genuine optimism. Started: August 13, 2023 Finished: Word Count: Language: English
