We often settle for relationships, jobs, or treatments that are way below our worth simply because we are afraid of the awkward gap between letting go and finding something better.
Sobrang daling ma-trap sa ideya na baka ito na lang 'yung para sa atin, o baka wala nang dadating na mas higit pa rito kung pakakawalan natin 'yung kung ano ang meron tayo ngayon.
We accommodate less than what we deserve, thinking na temporary comfort or compliance is better than risking the unknown.
---
Ang laking realizations ang papasok sa buhay mo kapag naintindihan mo na ang pagtanggi sa mga mumurahing sitwasyon ay hindi pagiging maarte, kundi isang mataas na anyo ng self-respect.
When you say no to the bare minimum, binabago mo 'yung standards kung paano ka pwedeng tratuhin ng mundo.
No matter kung gaano katagal mo nang tiniis ang isang toxic na setup o isang stagnant na sitwasyon, kapag nagkaroon ka na ng lakas ng loob na lumakad palayo, doon mo lang mararanasan kung gaano kasaya ang mabuhay nang walang dalang kompromiso.
---
Grabe ang magnetic shift na mangyayari sa buong kapaligid mo kapag naging firm ka sa sarili mong halaga dahil tuluyan nitong sinasala ang mga maling tao at maling opportunidad mula sa buhay mo.
Imbis na mag-aksaya ka ng oras sa pagpilit na mag-fit sa mga sitwasyong hindi ka naman pinapahalagahan, mas nagkakaroon ka ng space para sa mga bagay na tunay na makapagpapasaya sa 'yo.
Para ka lang naglilinis ng sarili mong bakuran—kailangan mo munang alisin 'yung mga nakaharang na basura para makita mo kung gaano kalawak ang pwede mong pagtayuan ng bago.
---
Hindi mo naman kailangang magmadali o maging marahas sa proseso ng pagbabago; ang pinaka-point lang naman, hindi mo na tinotolerate ang mga bagay na alam mong unt-unting sumisira sa iyong inner peace.
Your value is not up for discount, at hindi mo obligasyong babaan ang standards mo para lang maging komportable ang ibang tao sa tabi mo.
Tuwing nakakaramdam ka ng takot na baka mawalan ka kapag hindi ka pumayag sa less, isipin mo na lang na bawat beses na pumapayag ka sa kulang, ninanakawan mo ang sarili mo ng pagkakataong makuha 'yung buo.
Mula ngayon, itigil mo na ang pag-aadjust sa sarili mo para lang magkasya sa mga maliliit at limitadong espasyo na ibinibigay sa 'yo ng iba.
Raise your head, hold your ground, and match your actions with the high value that you carry.
Dahil ang totoo, you deserve a life that is full, genuine, and absolutely beautiful—at hinding-hindi mo makukuha 'yon kung patuloy kang papayag sa kahit ano na lang.
YOU ARE READING
YOUR SAFE HAVEN (SELF-HELP BOOK)
PoetrySet out on a journey to discover your self-worth, pursue personal growth, and create a life that radiates with genuine optimism. Started: August 13, 2023 Finished: Word Count: Language: English
