MAKALAT ERA

223 17 17
                                    

Chapter 24

Nakabalik na ang mga gumimik at gulat sila sa dugo sa Sala, inabutan nilang nagpapalit ng bandage sa sugat sila Ken at Claire sa infirmary.

Kanya kanya ngiti ang mga Boys at gets na nila ang nangyari

Trevor: mukhang may madugong bakbakan sa sala kanina ah.

Stell: Review na agad ng Cctv.

Kanya kanyang kuha ng Cp ang boys maliban kay justin at pablo.

Natawa naman si Vera at Claire.

Vera: Babagal nyo boys.

Stell: ang daya!

Nadelete na ni Vera ang cctv footage.

Stell: gagawa ng milagro, mag iiwan pa ng ebidensya.. Sana all.

Trevor: So, V.. Sibat na tayo. Mukhang babalik na si Claire dito.

Vera: Nagkajowa lang iiwan na tayo?

Claire: mga baliw! Uuwi parin ako sa bahay ko no.

Trevor: So, sinong nanligaw?

Claire: Uso pa ba yun?

Trevor: Sabi ko nga. Hinde na. Anyways. Ken pwede ko bang mahiram muna si Claire?

Ken: Sige.. basta wala ng galawan ng girlfriend ha.

Pumasok sila Claire at Trevor sa kwarto.

Claire: I'm sorry Boss..

Trevor: Bakit ka nagsosorry? Alam kong maguging masaya ka sa kanya, kaya go for it. At least ngayon may iba ng magpoprotect sayo.. kampante akong aalis.

Niyakap ni Claire si Trevor "I'll see you next week?" Sambit neto

Trevor: see you.. I love you.

Claire: I love you too.

Trevor: by the way, nasa bahay si Moon. And dadalhin ko na mga gamit nya..

Claire: why?

Trevor: Magpapahinga muna ako. Fofocus muna ako kay moon.. maghahanap kami ng school para sa kanya..

Claire: Hinde mo na ako hihintayin?

Trevor: magfocus ka muna para next week. And please.. no more sex.. baka mabuntis ka.

Claire: At naisingit mo talaga yan?

Trevor: naninigurado lang, pasaway ka pa naman.

Paalis na sila Trevor at Vera ng nakabalik si Carlos.. nagpaalam lang si Trevor rito at umalis na din.

Pinatawag naman ni Carlos si Claire at Ken.

Carlos: Sigurado ba kayo sa pinapasok nyong dalawa?

Natatawa si Claire sa sinabi ni Carlos.

Carlos: Seryoso ako Claire, hinde porket pamangkin kita hinde kana makakatikim sa akin. Alam mong babaero tong si Ken

Ken: Dad naman, pati ba naman ikaw?

Carlos: Gusto kong itago nyo muna yang relasyon nyo. Kung anong relasyon man meron kayo.. hanggang matapos lang yung kay Claire.. hinde pwedeng malaman ng organization na may relasyon kayo. Sa mata nila magpinsan kayo.. ang alam nila anak ko si Ken, iilan lang naman ang nakakaalam na hinde ko totoong anak si Kenjie.

Claire: ok tito.

Ken: Ok dad.

Carlos: Sige na. Yung kalat nyo sa sala. Linisin nyo.. ang dami daming kwarto sa sala pa nagkalat..

STRAYDOG (ASSASIN'S CODE & CURSE)Where stories live. Discover now