Chapter 31
Nagcheckout si Claire at Pablo sa Hotel ng gabi din na yun at lumipat sa ibang Hotel upang makaiwas sa apat.
Pagkapasok pa lang nilang dalawa sa Hotel room, dahil lasing na si Claire agad na itong nagtanggal ng damit at mga prostetics kahit nakikita ito ni Pablo.
Pablo: Huy, ginagawa mo?
Claire: Ang kati na eh, pumikit kana lang kung naiilang ka.
Pablo: Hinde naman, ok lang.
Claire: Ok, mauuna na akong maligo ng mahimasmasan naman ako. Pero gusto ko pang uminom. At gusto kong magswimming.
Pablo: bukas na tayo magswimming gabing gabi na eh.
Pagkatapos maligo ni Claire ay agad na itong humiga at nakatulog.
Dahil sa mas maliit ang kama ng kwarto na nakuha nila, mas magkalapit silang dalawa matulog.
Hinde makatulog si Pablo dahil naiilang ito na masyadong malapit ang mga unan nila ni Claire. Nakatitig lang ito kay Claire at napapaisip "kenjie, kung ganito kaamo ng mukha ng girlfriend ko, hinde na ako magloloko, pero lokoloko ka lang ata talaga"
Habang nakatulala etong nakatitig kay Claire, hinde neto napansin na nagising pala ito "wag mo ko masyadong titigan, marupok ako sa mga ganyan" natatawang sambit ni Claire.
Pablo: matulog kana ulit, kung ano ano pang sinasabi mo dyan.
Hinde inaasahan ni Pablo na biglang yumakap si Claire sa kanya. Alam ni Pablo na madaming nainom si Claire kaya hinayaan nya na lang ito. At ipinatong na lang din ni Pablo ang ulo ni Claire sa braso nya.
Nasakit ang ulo ni Claire pagkagising neto at nagulat din sya na magkayakap sila ni Pablo.
Sinubukan netong tanggalin ang pagkakayakap ni Pablo ngunit sa twing gagalaw sya, mas lalong humihigpit ang yakap nito sa kanya. Kaya hinintay mya na lang magising si Pablo
Hinde na sila ng lagay ng prostetics ng araw na yun dahil sa planong magswimming sila..
Claire: Pau, aalis na kaya yung apat?
Pablo: Usually, ganon naman kami, after ng mission alis agad para hinde kami mapansin ng tao. So malamang wala na sila.
Claire: Tara, swimming na tayo.
Pablo: Ok, hinde ba tayo magbreakfast muna?
Claire: Pwede naman, kain muna tayo then swimming.
Pagkatapos nilang kumain ay naglakad lakad muna sila, hanggang napansin ni Pablo ang isang Familiar face sa malayo na may kasamang babae, napailing na lang ito.
May nakita si Claire na nag bebenta ng mga pearl accesories kaya nagtanong tanong ito.
Pablo: Gusto mo ba yan?
Claire: Yeah, I was thinking of something to give you eh.
Pablo: sa akin? What about pearl bracelet.
Claire: Pili kana, ako ang magbabayad, swerte daw pag iba ang nagbayad eh.
Pumili si Pablo ng bracelet na may maliliit na pearl na bagay sa lalaki.
Pagtalikod ni Claire ay bumili din pala si Pablo para sa kay Claire.
Tuloy ang paglalakad lakad nila sa dalampasigan, nag aalala si Pablo baka makita ni Claire ang nakita nya. Ang hinde alam ni Pablo ay nakita na din ni Claire ang nakita nya, pilit nyang iniiwas si Claire sa direction na yun.
Claire: I know what your doing Pau, nakita ko na sya and I don't care. Hinde na siguro sya magbabago.
Pablo: Mabait naman kasi sya, yun nga lang ang chickboy.
YOU ARE READING
STRAYDOG (ASSASIN'S CODE & CURSE)
FanfictionA chaotic story of love and revenge.. COMPLETED