SISTER

88 8 6
                                    

Chapter 94

Maagang hinatid ni Rogue ang mga bata sa school at dumiretso ito sa bahay nya,

Inayos neto ang ilang gamit sa kwarto at napansin neto na may mga gamit si Claire na naiwan doon.

Isang tawag ang natanggap ni Rogue sa isang hinde nya unaasahang tao.

"Hello?" Agad na sinagot ni Rogue ang tawag

"Is your mission complete?" Seryosong tanong ng caller

"I can't do it anymore, I'm sorry" sagot ni Rogue

"You swore to finish it Rogue, this is your last mission remember? And let me remind you about your squad"

Rogue: leave them alone, ako na lang ang parusahan nyo

"Ang dali ng mission mo, you were alone with her, you can easily snap her head in a second or slit her throat, bakit hinde mo nagawa?"

Rogue: Kasi ayoko!! And nagbagong buhay na ako! Hinde na ako papatay para sa inyo!

"Ok, wag na wag mong pagsisihan kung yung mga mahal mo ang mapapahamak Rogue"

Bumalik si Rogue sa masion at nadatnan nyang kumakain si Claire sa Kitchen.

Halata sa mukha ni Rogue na may problema ito.

Claire: Are you ok D?

Umiling lang si Rogue at umupo sa tabi ni Claire, hinawakan ni Claire ang kamay ni Rogue at ngumiti.

Claire: Gusto mo bang pag usapan?

Rogue: Later, tapusin mo na lang muna yung pagkain mo.

Claire: Seryoso ba?

Rogue: Sobrang seryoso.. anyways umuwi ako sa bahay, may mga gamit ka pa palang naiwan doon.

Claire: Ok, nakausap mo na ba sila Niko?

Rogue: Hinde pa eh.

Claire: Ok, mamaya lalakad tayo, puntahan natin yung lugar kung saan tayo gagawa ng bagong head quarters ng Ghost.

Rogue: Talaga? Thank you beh.

Claire: Beh? Bago na naman ah.

Rogue: ayaw mo ng baby, kaya pinagikli ko na lang.

Natawa na lang si Claire sa kacornyhan ni Rogue.

Rogue: tawang tawa?

Claire: ang cute mo talaga. Ang corny nga lang.. sige na, magbibihis na ako at makalakad na tayo.

Nang matapos si Claire magbihis ay nagpaalam ito kay Rogue na puntahan si Ken para magpaalam.

Rogue: Kailangan mo pa bang magpaalam?

Claire: Oo, para sya na sumundo sa mga bata mamaya.

Rogue: Ok. Hintayin na lang kita sa kotse.

Inabutan ni Claire si Ken na may kausap ito sa Cellfon at dali dali netong binaba ang tawag.

Ken: Anong ginagawa mo dito?

Claire: Sorry, may kausap ka pala. Magpapaalam lang ako, lalakad kami ni Rogue, baka malate na kami, so pwede bang ikaw na muna ang magsundo sa mga bata?

Ken: Sige, may lakad din ako, pero ako na ang susundo sa kanila.

Claire: Or, tatawag na lang ako if maaga kaming matapos ni Rogue.

Ken: Ok.

Nag ring ulit ang Cellfone ni Ken at nakita ni Claire ang pangalan ng caller at isa itong babae.

STRAYDOG (ASSASIN'S CODE & CURSE)Where stories live. Discover now