Chapter 99
May idea na si Rogue kung saan si Claire kaya nag empake na ito.
"Kuya sasama ako sayo" sambit ni Ken
Rogue: Isasama kita pero siguraduhin mong ayusin mo ang pakikitungo kay Claire. Alam ko ang nangyayari dahil sinasabi sa akin lahat ni Claire, pati yung paghalik nya sayo sinabi nya sa akin yun.
Ken: mahal nya ako..
Rogue: mahal nya rin si Pablo,si stell,si josh at justin. At mahal nya rin ako. Lahat tayo mahal ni Claire, so wag kang magfeeling spesyal dyan.
Parang sinampal si Ken ng katotohanan at nagising sya sa katotohanan at naisip nyang namissinterpret nya ang sinabi ni Claire ng araw na yun.
Ken: sige mag eempake na ako.
Umalis sina Ken at Rogue mismo ng gabing yun. Kinabukasan ay dumating sila ng Isla. Malayo pa lang sila sa dalampasigan ay kita na nila sina Claire at kambal na nag hahabulan. Kitang kita mga saya sa mga mukha nila.
"PAPA ROGUE!!" agad na sigaw ni Princess
Napalingon naman si Claire ng marinig neto ang sigaw ni Princess.. napangiti ito ng makita neto si Rogue. Sinalubong nya agad ito ng yakap at halik. "I know na mahahanap mo ko"
"ang hilig mo talaga magpahabol, pero sa susunod yung may challenge naman" sabay halik ni Rogue sa noo ni Claire "btw, may kasama ako"
"Hi, Pangit" bati ni Ken sa kanya
"Hello Pangit" nilapitan ni Claire si Ken at niyakap at hinalikan sa Pisngi.
Yumakap din si Ken ng mahigpit kay Claire "I'm sorry Claire"
"Naiintindihan kita, alam ko naman na kahit ganon si Ella, mahal mo yun, kaya nga hinde ko sya mapataypatay kasi inaalala ko ang mararamdaman mo, sige na puntahan mo na ang mga anak mo"
Pinuntahan ni Ken ang dalawa na naglalaro ng buhangin, agad naman yumakap si Ryu kay Ken, pero si Princess ay hinde sya pinapansin. "Athena, galit ka ba sa akin nak? Tanong neto kay princess
"Hinde ba dapat ako ang nagtatanong nyan? Kasi ako yung tumapos kay Ella, I know mom will never kill her because of you, and hinde mo din kaya, kaya I thought someone should do it, so I did"
Ken: I'm sorry kung kailangan na ikaw pa ang gumawa non. Bata ka lang eh.
Princess: Yeah, bata lang. Bata na kayang gawin ang dapat kayong matatanda ang gumawa. Pero ang duduwag nyo. Mas pinipili nyong buhayin ang mga taong walang hangad kundi ang kapahamakan ng iba.
Ken: I'm sorry nak. Tama ka, dapat mas naging matapang si Papa para sa inyo.
Princess: Talaga? Ngayon kaya mo bang maging matapang para sa amin ni Ryu? Kaya mo na ba kaming ipaglaban?
Ken: Oo, wag lang kayong mawala sa akin.
Princess: ok. Patunayan mo. Bawiin mo si Mom kay Rogue.
Ken: Huh? Anong bawiin? Bakit?
Princess: Just as I thought. Wala ka ng pag asa papa. Mamatay kang mag isa kung hinde mo kami kayang ipaglaban. Mahal ka ni Mama. Pero mas mahal mo ang ibang tao para ipaglaban sya.
Ken: bakit hinde ba kayo boto kay rogue?
Ryu: seryoso ka sa tanong mo Pa? Botong boto kami kay Rogue, pero mas mahal ka namin kesa sa kanya. Kaya sana this time piliin mo naman sarili mo kesa sa ibang tao.
Hinde nakapagsalita si Ken..hinde rin nito alam ano ang magiging reaction nito sa mga sinabi ng mga anak..
"Hey, masakit na sa balat yung araw,pasok na muna tayo sa bahay. Maya na ulit maglaro" yaya ni Claire sa kambal
YOU ARE READING
STRAYDOG (ASSASIN'S CODE & CURSE)
FanficA chaotic story of love and revenge.. COMPLETED