Chapter 55
Dumating ang mga tao ni Trevor na maglilinis ng bahay ni Claire.
Nang bumabalik na sa normal si Claire at walang ibang tao maliban kay Pablo at Ken, saka lang nagtanong si Pablo.
Pablo: Claire, what happen, may ginawa ba sila sayo?
Claire: Muntik lang. Pero wala namang nangyari.
Pablo: Sino ang huling kasama mo sa bar at naghatid sayo dito?
Ken: ako, si Ella si Hector ang naghatid sa kanya dito.
Pablo: Hinayaan mong si Hector lang ang maghatid kay Claire? What are you thinking Ken? Kabilin bilinan ni Dad, wag ihalo ang sariling issue natin sa mission.
Ken: I'm sorry. Hinde na mauulit.
Pablo: Diba nag usap pa tayo? Bago ka bumalik ng condo mo? Ikaw ang malapit Claire, ikaw ang dapat nakabantay sa kanya.. kaya nga ako nagpaiwan kay Dad, kasi alam kong nandito ka. Ano Ken, maipagkakatiwala ko pa ba si Claire sayo? O ako na lang gagawa?
Ken: Hinde ko naman alam na iiwan sya ni Hector eh, akala ko na sasamahan sya ni Hector dito. Or...
Pablo: or what? Ano na naman iniisip mo kay Claire? Ganyan na ba kababa ng tingin mo sa kanya? Ken, muntik ng marape si Claire dahil sa dumi ng utak mo.
Claire: Pau, tama na, walang kasalanan si Ken, kasalanan ko. Nag offer naman si Ken na sasabayan nya si Hector sa paghatid sa akin. Pero tumanggi ako.
Pablo: pinagtanggol mo na naman eh.. iuuwi kita sa mansion. Hinde ako kampante na dito ka. Walang magbabantay sayo dito.
Claire: hinde na Pau, tinawagan ko na si Kate at Vera, sila muna kasama ko dito.
Pablo: ok. Pero tonight, uuwi tayo. Mag ayos kana.
Ken: Sasama pa ba ako?
Pablo: Bahala ka Ken, kung gusto mong sumama o hinde, basta iuuwi ko si Claire.
Ken: Imomotor mo sya?
Pablo: yung sasakyan nya ang gagamitin namin.
Ken: hinde na ako sasama, naiwan ko si Ella sa condo eh.
Pablo: Mag empake muna ako ng mga iilang gamit ni Claire, samahan mo muna sya dito. And please, kung wala kang sasabihing maganda sa kanya. Wag mo na lang syang kausapin.
Pagtalikod ni Pablo, umupo si Ken sa tabi ni Claire at kinuha ang kamay neto.
Ken: I'm sorry, hinde agad ako nakapunta. Bakit kasi hinde mo ko tinawagan agad?
Claire: Ok na ako.
Ken: Claire, hinde naman porket wala na tayo eh hinde na ako nag aalala sayo.
Claire: alam kong magkasama kayo ni Ella., ayaw kong makaistorbo.
Ken: Claire, please kung kailangan mo ko nandito lang ako.
Claire: Ken, wag mo na akong pahirapan. Gusto ko lang mag move on. Wag na muna natin haluan ng about sa atin tong nangyari ngayong gabi. Kagagawan to ng mga taong gusto akong mawala. Pwede ka ng bumalik ng condo mo.
Ken: May tanong lang ako. Anong nangyari? Bakit tulala ka kanina? Hinde ka naman ganon ah.
Claire: Nashocked lang ako. Yun lang yun.
Hinde na nagtanong pa ulit si Ken, nangmatapos si Pablo mag empake ay sabay na silang lumabas ng bahay nila Ken.
Tahimik lang sila Pablo at Claire ng dumating sila ng Mansion, dumiretso sila sa kwarto ni Claire at pinagpahinga na ito agad ni Pablo.
YOU ARE READING
STRAYDOG (ASSASIN'S CODE & CURSE)
FanfictionA chaotic story of love and revenge.. COMPLETED