TANGI

158 12 5
                                    

Chapter 40

Balik training si Claire kasama sila Vera at Trevor, umiwas na muna ito sa Moonbreakers at gulong gulo parin ito sa mga nangyayari. Nagkikita lang sya at ang boys pag pumapasok sa trabaho.

Wala namang tigil ang mga events at guesting ang boys. Hinde na halos nakapag training ang boys dahil sa mga shows nila.

Wala ring tigil si Pablo sa mga utos neto kay Claire, kaya hinde matuloy tuloy ang plano ni Claire na bakasyon na ipinaalam nya kay Pablo.

Halata ni Pablo na minamadali ni Claire na tapusin ang mga trabaho neto tulad ng dati nag oovertime ito at madaling araw na parating umuwi.

Lingid sa kaalam ni Claire ay may nagmamasid sa bawat galaw neto at humahanap lang ng tyempo na umatake.

Isang gabi,pag baba ni Claire sa parking lot, may napansin na itong kakaiba..

"Hello Claire" boses ng isang babae

"Hi amanda, wala ba kayong date ni Trevor? And madaling araw na ah" bati ni Claire na may kasamang pang iinis

Amanda: Napadaan lang ako.

Claire: Ang effort mo naman. Anong atin?

Amanda: Hinde ko alam na workaholic ka din pala.

Claire: May plano akong magbakasyon, kaya kailangan kong matapos ang mga kailangan kong tapusin.

Amanda: Coffee?

Claire: Sure, saan ba?

Amanda: SB na lang.

Claire: Ok, sundan ko na lang kotse mo.

Kahit pagod na si Claire at pinaunlakan parin neto ang paanyaya ni Amanda

Claire: So, may problema ba kayo ni Trevor?

Amanda: Wala naman

Claire: so, bakit nagparamdam ka? Anything I can do for you?

Amanda: Naninibago lang ako, hinde na kasi kayo masyadong nagkakasama ni Trevor

Claire: busy kami pareho sa mga trabaho namin. Unlike before nung wala pa akong work, may oras kami pareho, and hinde rin ako masyado nang iistorbo kay trev lalo na pag may jowa sya. Para naman may oras sya sa girlfriend nya.

Amanda: Oh, akala ko nag away kayo.

Claire: usually nag aaway naman kami, pero hinde naman nagtatagal magkakaayos lang din.

Amanda: Hinde mo ata kasama si Pablo?

Claire: busy din, sunod sunod ang shows nila. Kaya hinde ko na rin inaabala at need nila magpahinga.

Amanda: doing good ang career ni Pablo ano?

Claire: Not just Pablo, lahat sila., anyways, as much as i want to have chit chat with you, i really need to go. Medyo drain na din ako. But its really nice talking to you. Send my regards kay trev.

Amanda: yes of course. Sorry if naabala kita. Until next time Claire.

Almost 3am na ng makarating sa bahay nya si Claire at halatang pagod at antok na ito kaya hinde neto namalayan na may tao sa sala na naghihintay sa kanya.

Magsisindi pa sana ito ng sigarilyo ng biglang may nagsalita "bakit ngayon ka lang?"

Gulat na gulat si Claire at napasigaw ito "Pawpaw!!! Papatayin mo ba ako sa gulat ha?

Napangiti lang si Pablo.

Claire: Ano bang ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba?

Pablo: kanina pa ako dito, nagluto ako ng hapunan para sayo, kasi ilang linggo ka ng puro takeout ang kinakain.. initin ko na muna ang pagkain mo.

STRAYDOG (ASSASIN'S CODE & CURSE)Where stories live. Discover now