Chapter 79
Hinde tumuloy si Trevor at nagtago ito. Hinintay neto na makaalis ang ama at ang kasama netong si Rogue
"Anong ginagawa ni Dad? Bakit kasama nya si Rogue?" Tanong ni Trevor sa sarili.
Nang masiguradong wala na ang dalawa, saka ito umalis at humabol sa mansion.
Tahimik lang na pumasok si Trevor at umupo sa isang tabi, ni walang nakapansin na nandoon sya.
Nagkakasiyahan na ang mga tao sa garden, samantala sina Pablo at Claire at nag uusap sa kwarto habang nasa banyo si Ken at naliligo.
"Bakit ba ang burara mo ng makipaglaban ngayon? Wala kang lakad na walang tama ah." Sambit ni Pablo habang nililinis at nilalagyan ng gamot ang mga sugat ni Claire.
"Pau, 10years ako namahinga, syempre nawala sa sistema ko yung mga natutunan ko"
"Hinde porket wala na tayo eh iisipin mo na ok lang sa akin na pinapabayaan mo ang sarili mo Claire ha, hinde ako natutuwa sa mga nangyayari sayo"
"Ok po, mag iingat na sa susunod, wag ng magalit ok?" Sagot ni Claire habang napapangiwi ito sa hapdi ng mga sugat
"Kailangan pa nating mag usap about kay Rogue, alam kong wala ka ring ibang pagsasabihan ng mga nangyayari kundi sa akin""Ano pa ang pag uusapan natin tungkol sa kanya? Eh wala na nga yung tao" sagot ni Claire na halatang nag iba ang mood ng mabanggit si Rogue.
"Mukhang seryoso ang pinag uusapan nyo ah" biglang sabat ni Ken na katatapos lang maligo
Pablo: Hinde naman, pinagsasabihan ko lang itong si Claire, masyado ng clumsy eh.
Ken: kaya nga, akala mo kung makipaglaban parang di sya tatablan eh.
Claire: talaga ba Ken? Imbis magpasalamat eh manenermon pa.
Ken: I'm sorry, sobrang nagpapasalamat ako sayo, sa pagligtas mo sa akin. Pero ang tagal ha. Ganon ba kagaling si Rogue na magpanggap para hinde mo nalaman na hinde ako yun?
Claire: You know what, magsama kayong dalawa at wala akong panahon sa inyo. Kakawala kayo ng gana eh.
Inis na lumabas si Claire ng kwarto ni Ken at pumunta ito sa kwarto nya.
Napailing naman si Pablo binigyan neto ng masamang tingin si Ken.
Ken: oh, bakit na naman? Tama naman ako diba?
Pablo: alam ko ikaw minsan, napaka ungrateful mo. Hinintay mo muna sana ng ilang araw bago mo pinagsalitaan ng ganon si Claire.
Ken: ganon din naman yun.. papatagalin ko pa ba?
Pablo: wag kang magtaka kung darating ang araw na mas gustuhin ni Claire si Rogue kesa sayo. Serve this as a warning bro.
Ken: Paano mo naman nasabi?
Pablo: kasi mas kilala ko si Claire kesa sayo. Tandaan mo, walang ginawang masama si Rogue kay Claire at sa mga anak mo.. mauna na ako sa labas. Sumunod ka na lang, puntahan ko muna si Claire at hinde ko pa tapos gamutin yon..
Dala ni Pablo ang mga gamit neto ay tinungo neto ang kwarto ni Claire.
"Hey, are you ok?" Agad na tanong ni Pablo
"Hinde, nakakaloko naman kasi tong si Ken eh, hinde ko alam kung ano ba talaga ang gusto nya." Sagot ni Claire na halatang dismayado sa inasal ni Ken.
"Pagpasensyahan mo na lang muna si Ken, baka hinde pa nakakarecover sa mga nangyari" paliwanag ni Pablo
Claire: siguro nga. Ilang araw din syang nakagapos doon, at malay ba natin kung naalog utak non don.
Pablo: para kayong mga bata.. tapusin na natin ang paggamot sa mga sugat mo.
YOU ARE READING
STRAYDOG (ASSASIN'S CODE & CURSE)
FanfictionA chaotic story of love and revenge.. COMPLETED