Not your typical Playboy

146 13 20
                                    

Chapter 39

Mas lalong naging awkward kina Pablo at Claire ang mga nangyari.

"tama na yang kakayosi mo. Ikakamatay mo talaga yan!!" Inis na sambit ni Pablo.

Claire: pati ba naman pagyoyosi ko papakialam mo? Pwede ba, wala namang pakialamanan ng personal na bisyo.

Pablo: concern lang ako sayo.

Claire: Ano ba kasing ginagawa mo dito, balikan mo na nga yung kasama mo don..

Pablo: wala na, pinaalis ko na..

Claire: Parepareho talaga kayong mga lalaki.

Pablo: talaga ba Claire?

Claire: ano bang problema mo sa akin?

Pablo: ikaw anong problema mo sa akin? Ang hirap mong intindihin Claire.

Claire: yeah tama ka, ang hirap ko ngang intindihin, ako nga hinde ko rin maintindihan sarili ko, kaya sana wag na kayong dumagdag. Magtrabaho na lang tayo.

Pinanood ni Claire ang show ni Pablo, 1st time nya itong napanood na magperform na mag isa. Napapangiti ito habang kumakanta si Pablo, naalala neto yung mga panahon na, nagkukunwariwarian si Pablo na nagcoconcert kapag naglalaro sila.

Hinde naman nakaligtas si Claire sa kantyaw ng dalawang kasama neto "uy, mukhang kinikilig si Ma'am Claire ah. Ganda ng smile natin dyan" kantyaw ng isa.

Claire: tigilan nyo ko, natutuwa lang ako at ang layo na ng narating nya.

"Matagal na ba kayong magkakilala ni boss Pablo?" Usisa ng isa

Claire: Oo, bestfriends kami nung mga bata pa lang kami. Dati sa taas lang sya ng kama ko kumakanta at nag coconcert, ngayon ang dami nya ng fans.

Nang matapos ang show ni Pablo, sinalubong ito ni Claire ng yakap sa backstage. "Congratulations Pau, masaya ako at ang layo na ng narating mo" proud na proud na sambit ni Claire.

Yumakap si Pablo kay Claire "thank you Claire"

Claire: Ok na, hinde na tayo ulit bati. Nagcongratulate lang ako.

Napangiti lang at napailing si Pablo.

Claire: Bilisan mo at magbihis kana. Baka magkapulmunya ka, basang basa ka ng pawis.

Pinunasan ni Claire ang pawis na mukha ni Pablo at ang likod neto..

Pablo: Ginagawa mo naman akong baby nyan.

Claire: shatap, hinde ka pwedeng magkasakit may 3 shows ka pa.. magpapapicture ka pa ba sa mga fans?

Pablo: Yeah, babalik pa ako sa stage.

Claire: sige, retouch ko na lang make up mo.

Habang inaayusan ni Claire si Pablo, nakatitig lang si Pablo kay Claire

'Wag mo kong titigan ng ganyan, baka mainlove ka" nakangiting biro ni Claire.

Pablo: uh, diba bawal mafall?

Claire: pinapaalala ko lang. Buti at naaalala mo pa. Pero binibiro lang naman kita., sige na, balik na sa stage ng makapagpahinga na tayo.

Bumalik na si Pablo sa stage at nagpapicture na sa fans.

Habang hinihintay ni Claire ang pagbabalik ni Pablo sa backstage nag ayos na ito ng mga gamit nila, isinakay na din nila ang iba sa van, pagbalik ni Claire sa backstage nakita neto si Pablo at ang babae sa kwarto na magkayakap.

"Ehem! Aalis na ba tayo?" Tanong ni Claire kay Pablo

"Mauna na siguro kayo, may lakad pa kami eh, I mean magdidinner pa kami. Ok lang ba Claire?" Paalam ni Pablo

STRAYDOG (ASSASIN'S CODE & CURSE)Where stories live. Discover now