Chapter 78
Walang magawa si Ken, kundi panoorin si Rogue sa pagpapanggap bilang sya.
"Ang saya nila ano? Hinde nila ramdam na wala ka na at si Rogue yung kasama nila" pang aasar na sabit ni Ella
"Hinde sya magtatagumpay sa ginagawa nya, matalino ang mga anak ko, malalaman at malalaman nilang hinde ako yan" sambit neto na malaki ang tiwala sa kakayanan ng mga anak.
"Whatever Ken" inis na sambit ni ella habang tinawanan si Ken.
"Hanggang kelan mo ko balak ikulong dito?" Tanong neto
"Hanggang makasal si Claire kay Rogue, para kahit bumalik ka pa sa kanila, wala ka ng babalikan.. Remember this Ken, kung hinde ka mapapasakin, mas gustuhin ko pang mamatay kana lang" sagot neto kay ken
----------------
MansionKenji: Pablo nak. Hinde ba nadadalaw ang kapatid mo?
Pablo: Hinde po eh. Mukhang nawiwili sa pag aalaga ng mga anak nya.
Kenji: si Rogue, wala bang balita sa kanya?
Pablo: Wala na po dad. Bakit?
Kenji: Hinde ko alam, malakas ang kutob ko na nasa paligid lang sya.
Pablo: handa na rin po si Ken na harapin sya kung sakali.
Kenji: eh ikaw kumusta ka naman?
Pablo: ayos lang po dad. Getting better.
Kenji: alam mo nak, I'm so proud of you. Hinde ako nagsisi na inampon kita.
Pablo: Salamat dad. Sobrang thankful po ako sa inyo, hinde nyo po ako pinabayaan.
----------------------
Ryu: Papa, malapit na ang bakasyon, saan tayo pupunta?Nagkatinginan si Claire at Rogue
Claire: wala pang plano anak. May gagawin pa kami ng Papa mo.
Ryu: ok po.
Rogue: Sige na, bilisan mo na ang pagkain at mahuhuli na kayo sa school.
Princess: I'm done.
Moon: me too.
"Lets go kids" nakangiting sambit ni Rogue
"Hey, ingatan mo ang mga anak ko at bilisan mo sa pag uwi ok?" Sambit ni Claire habang nililigpit ang mga pinagkainan ng mga bata.
Pagkabalik ni Rogue ng bahay. Nakaupo lang si Claire at umiinom ng alak. Kinuha neto ang baso na hawak ni Claire at binuhos ang laman sa lababo.
"Papatayin mo ba ang sarili mo?" Inis na sabi ni Rogue "tara sa kwarto, doon tayo mag usap" pagpapatuloy neto.Rogue: ano bang problema mo?
Claire: ewan ko. Iba yung pakiramdam ko, parang may mali sa mga nangyayari.
Rogue: baka nabibigla ka lang, hinde ka sanay na may katuwang ka pagdating sa mga bata.
Claire: Siguro nga. I'm sorry.
"Ikalma mo ok? Hinde na kita iiwan ulit, sasamahan kita kahit anong mangyari" tinignan neto sa mata si Claire habang haplos neto ang mga pisngi, kahit anong pigil ni Rogue sa sarili ay alam netong palalim na ng palalim ang pagtingin neto kay Claire, kahit alam nya na si Ken ang inaakala ni Claire na kasama nya.
Hinalikan neto si Claire at niyakap ng mahigpit, pero bumitaw lang din ito agad.
Nanggagalaiti naman at nagpupumiglas si Ken sa nakikita neto "pakawalan mo ko dito!!!" Sigaw neto habang nakikita neto si Rogue na hinakalikan si Claire
"Aaahh,, kawawa ka naman. Yung Babaeng inaasam asam mong mayakap at mahalikan ulit yung kapatid mo na ang gumagawa, tapos yung mga anak mo sya na rin ang kinikilalang tatay" pang aasar ni Ella kay Ken.
YOU ARE READING
STRAYDOG (ASSASIN'S CODE & CURSE)
FanfictionA chaotic story of love and revenge.. COMPLETED