MEMORIES

100 11 5
                                    

Chapter 101

Nag aantay ng balita sina Rogue at ibang boys, dahil hinde pa nila nakikita sa monitor si Ken at Claire.

Rogue: Nak, wala pa sila Mama mo sa kampo?

Ryu: Wala pa po papa..mga 5mins pa..

Pablo: Kalma rogue, pag may tumumba na sa mga yan ibig sabihin dumating na sila Claire.

Habang ini-scan ni Ryu bawat frame, nakita netong dumating si Ken na nakamotorsiklo.

Ryu: Si Papa Ken nasa kampo na..pero wala si Inah.

Justin: as ussual. May sariling trip parin yang si Claire.

Josh: Hinde na kayo nasanay dyan.

Ryu: Wait, I'll check some of the frames.

Isa isang chineck ni Ryu ang mga hidden cams sa kampo at hinde parin neto makita ang ina..

Ryu: I think, inah is already inside. Pero iba lang ang mukha nya.

Naunang pinuntahan ni Claire ang mga bihag at pinakawalan ang mga ito, dahil alam nyang hinde nila kakayanin ni Ken ang dami ng kalaban.

Si Ken naman ang nagsilbing divertion para maisagawa ni Claire ang plano nila.

Alam ni claire na magaling makipaglaban ang mga tao nya at marahil ay naunahan lang sila nila Ivan at nasurpesa kaya nasukol ang mga ito, ngunit ng makita nila si Claire ay nabuhayan agad ng loob ang mga ito, at tumulong na labanan ang grupo ni Ivan.

Naging madugo ang labanan sa kampo, ngunit mabilis nakatakas si Ivan at ilan sa mga tauhan neto..matagumpay namang nailigtas ni Ken at Claire ang mga nasa kampo.

Nang masiguradong ligtas na ang lahat at sinuyod na ang buong kampo. Saka lang nagkita sina Claire at Ken, ni hinde nila alam kung nakaligtas ba ang isat isa. Kaya ng magkita silang dalawa, hinde na napigilan ni Ken na yakapin si Claire ng mahigpit bago nya pa ito tinignan kung may tama ba o wala dahil sa dugo sa buong katawan neto.

Habang sinusuri ni Ken ang bawat parte ng katawan ni Claire ay natatawa naman si Claire "Ginagawa mo? Ok ako. Wala akong tama.. kaya kumalma ka. Baka kung ano pa ang makapa mo dyan" natatawang sambit ni Claire

Ken: sinisigurado ko lang ok? Mahirap na.. pinangako ko pa naman kay Rogue na uuwi kang walang galos.

Claire: Whatever Ken.. btw, mauna ka ng bumalik sa manila. Aasikasuhin ko pa ang mga tao dito sa isla.. tutulungan ko pa silang makarecover ulit.

Ken: Sus, nandito na rin naman ako tutulungan na kita..

Agad na pagtanggi ni Ken sa ssuhestyon ni Claire na bumalik na sya ng Manila.

Habang nakaupo si Claire at Ken, lumapit sa kanila ang isa sa mga tao ni Claire. "Ate ameerah, kami na po ang bahala dito, mahinga na po kayo"

Tumango si Claire at niyaya ng umuwi si Ken.

Nang makarating na sila ng bahay ay dumiretso si Claire sa control room at kinausap na ang boys at alam nyang nag hihintay ang mga yun ng update.

Nauna ng pumasok si Ken sa kwarto at nagpalit ng damit. At sumunod ito kay Claire sa control room.

Ken: pangit, bihis na doon. Alam kong magsiswimming ka pa.. ako na muna kakausap sa mga bano dyan.

Claire: sige2x.. boys etong isang bano muna kausapin nyo. Magpapalit lang ako ng pang swimming.

Rogue: Magsiswimming ka pa? Gabi na ah..

Claire: Saglit lang ako. Magtatanggal lang ng init ng katawan.. call you later D. I love you..

STRAYDOG (ASSASIN'S CODE & CURSE)Where stories live. Discover now