KEN/CLAIRE

172 13 0
                                    

CHAPTER 23

"Boss, ingat kayo ni Josh may nakikita akong heat signature sa direction, hacking pa ako ng cams ng building" warning ni Vera kay Trevor at Josh

"Got it V" sagot ni Trevor at nagkatinginan sila si Josh.

Sumenyas ng bilang si Trevor kay Josh 3,2,1. Sabay silang umatake at nakipag laban.. Agad nilang napatumba ang mga kalaban, "no sweat" mayabang na sambit ni Josh. Natawa na lang si Trevor kay josh.

"V, balita kay Claire at Pablo?" Nag aalalang tanong ni Ken. "Concern yarn Mamba?" Panunukso ni Vera kay Ken "wag kang mag alala, kaya ni Claire sarili nya and kasama naman nya si Pablo" pagpapatuloy ni Vera.

Natatawa naman si Claire habang naririnig neto ang usapan ni Vera at Ken, kaya nag pasya na etong magsalita

"Sensya na guys, sa kabilang side kami pumasok ni Alpha" pagpaparamdam ni Claire

"Sa susunod sundin mo ang napag usapan, hinde yung pinag aalala mo ang mga kasama mo" galit na sagot ni Ken.

"I'm sorry, mas convinient kasi na hinde tayo magsama sama lahat eh" mahinahon na sagot ni Claire, "wag kang mag alala, nandito naman ako" sabat naman ni Pablo

"Love triangle in the middle of a war, parang pang teledrama ah" panunukso nu Vera

"Focus! Hinde ito ang oras ng biruan" Suway ni Carlos sa kanila.

"Claire, 10men approaching, lima galing sa likod at 5 galing sa kanan mo. Good luck bess" warning ni Vera kay Claire

Sumenyas si Pablo kay Claire sya na bahala sa bandang likod at si Claire na ang sa kanan. Tumango naman si Claire sa pagsang ayon.

Pinapanood ni Claire si Pablo makipaglaban at nakalimutan neto na papalapit na ang mga nasa Right side na kalaban..
Nahawakan ng dalawang lalake si Claire at hinde ito makawala. Agad namang nakita ito ni Pablo, at isa isa netong binaril at sapol ang dalawa sa ulo..

"Ooohhh! The alpha is on fire!" Napasigaw si Vera sa com na tila nanood ng movie. "Vera! Nakakagulat ka naman" sita ni Carlos kay Vera. "Hanapin mo ang location ng leader nila" utos neto kay Vera

"Nasa top floor po, pero mahihirapan kayo kasi nandoon halos lahat ng tauhan nya, mas maige kung sabay sabay na kayong lahat" sagot ni Vera

Carlos: sinong mas malapit?

Claire: Kami ni Pau..

Ken: Wag kang mauuna, hintayin mo ko.

Claire: ok fine!

Tumingin si Ken sa daddy nya na tila nag papaalam na puntahan si Claire

Carlos: Sige, Go, mag ingat ka lang.

Ken: ako pa ba dad?

Mabilis na pununtahan ni Ken si Claire, ng makita netonsi Claire ay duguan ito dahil sa mga talsik ng dugo ng mga binaril ni Pablo..

"Bakit duguan ka?" Agad netong tanong kay Claire, "hinde akin to" sagot naman ni Claire

Ken: Good,

Claire: sharp shooter kasama ko eh.

Ken: Eh di magsama kayong dalawa.

Iniwan ni Ken si Claire at nauna itong umatake at mabilis itong nawala.

Nang mawala si Ken sa paningin ni Claire ay nag lagay ito ng face mask at mabilis nya itong sinundan, isinuot narin neto ang Black leather coat nasa loob lang ng dala nitong bag at naglugay ito ng buhok na tulad kay stray.

"Nawawala si Claire, bigla syang nawala sa paningin ko" Pag aalalang sambit ni Pablo sa Com. "Relax ka lang alpha nagtago lang yun" sagot naman ni Vera

"V, I'm here" isang malalim na boses ng babae ang narinig ng lahat. "Ey! Stray is joining the party" masayang balita ni Vera sa lahat.

STRAYDOG (ASSASIN'S CODE & CURSE)Where stories live. Discover now