Chapter 77
Isang linggo na at hinde parin kinikibo ni Pablo si Claire dahil sa nalaman neto.
Ken: Pau, papunta ako kina claire, sama ka?
Pablo: ngayon na?
Ken: Yeah, araw ng dalaw ko ngayon eh sa mga bata eh, baka ilalabas ko din sila.
Pablo: Ok, sige sama ako.
Hinde nagsasalita si Pablo habang nasa koste sila ni Ken
Ken: Galit ka ba?
Pablo: Hinde ko alam eh.
Ken: Wag mo na syang awayin pau. Masyado na syang maraming pinagdaanan. Ang dami nyang hinde naenjoy sa buhay dahil sa mga nangyari sa kanya.
Pagdating nila sa bahay ni Claire, rinig nila ang mga tawanan at tilian ng mga bata.
"Eyyyy!! I'm here! Anong ginagawa nyo? Kasama ko pala si Pablo
Ryu: Tinuturuan namin si Inah maglaro sa playstation. Nakakatawa hinde marunong
Trevor: Paano naman matututo yan kung puro aral at patalim at training ang inaatupag.. natapos ang pagiging bata nya nung nawala ang bestfriend nya.. kaya turuan nyo maging bata yang mommy nyo, hinde yung kayo ang tinuturan nyang maging matanda.
Princess: Mader, matanong ko lang, ano yung pinakafavorite mong laro nung bata ka?
Claire: uhmm, uhmm? Hmm? Hinde ko alam yung tawag eh.
" taguan at wrestling, yun yung parati naming nilalaro ng mama nyo" Si Pablo ang sumagot ng hinde masabi ni Claire tawag sa mga laro.
Princess: Yun lang? Hinde ka nakaranas mag bahay bahayan, prinsesa2x..
Claire: iisa lang kasi ang friend ko. At hinde pa kami minsan nakakapaglaro. So no chance. Kaya kayo, ienjoy nyo yung kabataan nyo. Para pag nagkaanak kayo, madami kayong magagandang memories na maikikwento. Hinde tulad ko....
Hinde na itinuloy ni Claire ang sasabihin at napaluha na ito at tumayo sa kinauupuan neto.
Ryu: san ka punta?
Claire: Papahangin lang ako, kailangan kong huminga, I'm sorry...Si Papa nyo na lang muna yayain nyo maglaro.
Lumabas si Claire at pumunta ito sa mini garden nya at naupo sa damo.. ilang saglit lang ay may naupo na sa tabi nya.
"Ang init dito, bakit ka nagbibilad sa araw?" Tanong ni Pablo"Bakit? Magkakakuto ba ako pag naarawan ako?" Tanong naman ni Claire na napapangiti.
Pablo: hmmp, naalala mo pa yun?
Claire: yeah, may nga naalala naman ako.. Pau, I'm sorry..hinde ko nasabi sayo.. kasi natakot ako tapos nakaligtaan ko na sa dami ng sumunod na nangyari.
Pablo: hayaan mo na yun. May kambal na rin naman eh. Baka hinde talaga sya para sa atin..
Claire: are we good?
Pablo: syempre naman
Claire: Friends?
Pablo: Friends lang?
Claire: Bestfriends?
Pablo: No, isa pa..
Claire: Luh?!
Pablo: Diba sinabi ko sinubukan ko lang naman if kaya ko.
Claire: Ayaw ko muna Pau, masyado ko ng napapabayaan ang mga bata, ang mga missions. Sa sobrang kinakalawang na ako sa mga lakad. Bawat sabak ko. Hinde pwede uuwi ng walang tama.
YOU ARE READING
STRAYDOG (ASSASIN'S CODE & CURSE)
FanfictionA chaotic story of love and revenge.. COMPLETED