Louisa's POV
"Sino ka naman?" tanong ni Aling Nosing habang nakapamewang sa lalaking bigla na lang sumulpot na parang kabote.
Tinanggal nito ang shades at saka ngumiti sa amin bago n'ya ito ilagay sa bulsa. Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan n'ya. Nakasuot siya ng pulang t-shirt at saka ripped jeans. Sa paa naman n'ya ay pares ng itim na sapatos. Kung titingnan mo ay napakasimple lamang ng suot n'ya ngunit sigurado akong mataas pa sa sahod ko ang presyo ng suot niya ngayon.
"Zayn Cardinal po a.k.a Zayn Malik." Inabot n'ya ang palad ni Aling Nosing at saka ito hinalikan bago kumindat.
Natahimik naman ang matanda at mayamaya ay naghawi ng buhok. Nangunot ang noo ko, sa lakas ng karisma ng lalaking ito kahit yata ugod-ugod na matanda ay bibigay sa kan'ya.
Tumayo si Zayn nang tuwid. "Magkano po ba ang kailangan n'yang bayaran?"
"Ah, eh, sampung libo para sa limang buwan. Pero para sa'yo, kahit 'yong kalahati na lang."
Laglag ang panga kong nakikinig sa kanila. Nang akmang dudukot na siya ng wallet ay pumagitna na ako.
"Sandali, sandali. Aling Nosing, ako po ang magbabayad ng upa namin kung limang libo lang po ang kailangan n'yo," wika ko.
Bumalik ang masungit na awra ng matanda.
"Sinong nagsabing limang libo lang? Sampung libo para sa'yo!"
"T-Teka, bakit sa kan'ya kalahati lang? Bakit sa akin ay walang discount?!" singhal ko.
"Puro ka tanong! Babalik ako bukas dito, kapag hindi ka nakapagbayad, tatawag na ako ng mga tanod para ipadampot ka!" Tinalikuran na n'ya ako at naglakad paalis.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Kahit ata sayawan ko si Aling Nosing ay hindi na mapapakiusapan, kahit mag-body rock, twerk, at mag-split pa ako ay walang mangyayari.
"Ako na nga kasi ang magbabayad ng upa mo."
Hinarap ko si Zayn na ngayon ay nakapamulsa habang nakatingin sa akin.
"At bakit? Kailan ka pa naging miyembro ng Sagip Kapamilya? Anong ginagawa mo rito? Naliligaw ka yata," tanong ko.
"You know, I just want to help. Pasalamat ka nga at nagmamalasakit ako sa'yo."
Ang kapal talaga ng pagmumukha! Matapos niya akong lokohin noon nang hindi lang yata limang beses sa iba't ibang babaeng kasama niyang mag-SOGO gamit ang suki card niya ay lilitaw na lang siya dito na parang tigyawat?
"Noong mga panahong kailangan kita hindi ka dumating. Noong mga panahong nasasaktan ako at halos inumin ko na ang bote ng zondrox dahil sa panloloko mo sa akin hindi ka dumating! Tapos ngayon nandito at sasabihin mong tutulungan mo ako? Bait-baitan to the max?"
"Hindi ako nandito para makipag-ungkatan ng nakaraan sa 'yo."
"So, may kailangan ka? D'yan ka naman magaling, eh. Akala mo kasi antihistamine ako na p'wede mong gamitin pamahid kapag nangangati ka na naman na parang eczema. Lumayas ka na." Akmang tatalilikuran ko na s'ya nang hawakan n'ya ang kamay ko.
Napatingin ako sa kan'ya at nanlisik ang mga mata ko.
"Luis, hear me out first." Naging maamo bigla ang mukha n'ya, kung kami pa rin siguro hanggang ngayon ay bumigay na ako.
"Letche, hindi Luis ang pangalan ko. Louisa!" Sinubukan kong hilain ang kamay ko ngunit mahigpit ang pagkakakapit n'ya roon.
"Pareho lang naman 'yon."
Hindi na ako nakatiis at tinulak ko na siya.
"Look, I just want you to work for me as a model. Babayaran ko ang renta n'yo kapalit no'n, bibigyan pa kita ng sahod," wika n'ya.
BINABASA MO ANG
Bitter Than The 2nd Time Around (#1 Taste Of Love)
RomanceTHIS STORY IS UNDER REVISION Si Louisa ay masikap at mapagmahal na ate sa kapatid niya. Simula nang maulila sila sa magulang ay siya na ang tumayong nanay at tatay ng nakababatang kapatid. Ngunit sa kakapusan sa pera, hindi siya nakakapagbayad ng re...