Chapter 12: Selos

39 5 0
                                    


Louisa's POV

Kakatapos lang ng trabaho namin at pauwi na sana ako nang biglang sumulpot si Zayn at niyaya akong kumain sa labas. Sino pa ba ako para tumanggi 'di ba?

Sa isang five star restaurant kami nag-dine in. Hinihintay na lang namin ang order namin, may appetizer naman na soup at grapes na binigay kaya hindi rin kami nagutom.

"So, how's Levi? Kamusta naman ang first night n'yo sa condo?" tanong ni Zayn habang humihigop ako ng sabaw.

"Naku, ang sarap ng tulog. Natutuwa rin doon sa mga laruan na binili mo para sa kan'ya," tugon ko naman.

"I'm glad he likes it. How about you? Comfortable ka ba sa place?"

"Oo naman. Pihadong mas maganda sa condo kaysa ro'n sa dati naming apartment," muling saad ko.

Tumango lang si Zayn. Sunod ko namang tinira ang mga grapes na sa sobrang lalaki ay talagang babara sa ngalangala ko kapag hindi nginuya nang maayos.

"Luis, since mukhang ayos na rin naman tayo. May sasabihin sana 'ko sa'yo," panimula ni Zayn.

Nakatingin lang ako sa kan'ya habang ngumunguya.

"Ano 'yon?"

"Gusto kitang ligawan ulit."

Bigla kong nalunok ang isang ubas na sinubo ko dahil sa sinabi niya. Napahawak ako sa dibdib dahil hindi ako makahinga.

"Hey, are you okay? Sorry, nabigla ba kita?" nag-aalalang tanong niya.

Napailing ako at saka ko hinampas ang dibdib ko na siyang dahilan upang tumalsik ang ubas mula sa bunganga ko at diretso itong nag-shoot sa sabaw ni Zayn.

Nanlaki ang mga mata ko. Pareho kaming napatingin sa mangkok niya at natigilan kami. Sabay kaming napaiwas ng tingin.

Napapikit ako nang mariin. Nakakahiya! Sa dami ng p'wedeng talsikan ng ubas sa pagkain pa talaga niya!

"Ah, eh, s-sa tingin ko mas okay na magkaibigan na lang muna tayo, Zayn. You know, masyadong mabilis," pag-iiba ko ng usapan at hindi pa rin makatingin sa kan'ya.

Tumikhim si Zayn. "Y-Yeah, I understand."

Matapos ng tagpong iyon ay wala na kaming napag-usapan. Tahimik din kaming kumain at sa pagkakataong iyon ay sinarado ko na nang maayos ang bibig ko para wala nang tumalsik na kahit ano.

Kinabukasan, back to reality na naman. Pero pakiramdam ko may iba sa akin, parang ang gaan-gaan ng pakiramdam.

"Ay sus ang ngiti, nakikita ko na ang tartar mo riyan," wika ni Katkat at naupo sa tabi ko habang inaayusan ako ni Cherry.

"OA, ha. Hindi ba p'wedeng good mood lang?" tanong ko.

Habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin ay miski ako ay nawiwirduhan na rin sa nilalang na nakikita ko. Simula kagabi pag-uwi ay ganito na ang bibig ko, parang hindi nangangawit sa pagngiti. Hanggang pagtulog nga yata ay nakangiti ako pati paggising at pag-withdraw sa inidoro.

"Bakit, ha? Pumapag-ibig ka na?" usisa ni Katkat.

"H-Hindi 'no! Ano bang sinasabi mo riyan? Nagpa-practice lang ako ng pagngiti mamaya sa photoshoot."

"Teh, pabango ang minomodel mo hindi poster sa horror movie. Tigil-tigilan mo na 'yang pagngiti mo kundi mamaya iisipin kong nasaniban ka na ng masamang espiritu."

Inismidan ko naman si Katkat ngunit mayamaya ay bumalik na naman ang ngiti ko. Kahit yata i-brazillian wax ako ngayon din ay ngingiti pa rin ako. Hay, ganitong-ganito rin ako noong kami pa ni Zayn. Nakangiti, parang tanga, minsan tulala–

Bitter Than The 2nd Time Around (#1 Taste Of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon