Zayn's POV
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm na nakalagay sa tabi ng kama ko. Kahit na pikit pa, inabot ko iyon at saka pinatay. Bumangon ako at sumandal sa headrest ng kama bago magmulat ng mga mata.
Work, again. I'm so tired of waking up everyday and doing the same routine that I used to do. Nakakasawa kasi kahit na araw-araw ko itong ginagawa ay tila walang nagbabago sa outcome.
Tumayo na ako ako at ginawa ang morning routine ko kasabay ng pagbibihis bago na bumaba patungo sa dining area.
"Good morning, kuya!" bati sa akin ni Zendaya, ang nakababata kong kapatid. 19 years old na.
Ngumiti ako sa kan'ya at saka ko ginulo ang buhok n'ya bago na naupo sa tabi ni Kuya Zion. Katapat ko si Zendaya, si kuya naman at katapat si mommy habang si dad ay nasa dulo na tahimik lamang na humihigop ng kape.
"Good morning, Zayn. Akala ko hindi mo na naman kami sasabayan kumain, minsan ka na nga lang umuwi," wika ni mommy na nakangiti rin sa akin.
I used to live in my condo, pero kahit papaano ay umuuwi pa rin ako rito minsan. Madalas ay umaalis na lang ako nang hindi kumakain ng agahan, hindi dahil sa hindi ako gutom kundi dahil iniiwasan ko nang makasabay sila sa pagkain.
Umuuwi siguro para kahit papaano ay matawag na miyembro ng pamilyang 'to.
"Na-miss ko po ang lutong bahay ni manang," saad ko at saka na sumandok ng pagkain na nakahain.
"How's the sales of your company, Zion?" Binaba ni dad ang tasa ng kape at saka pinagdaop ang mga palad.
Tahimik lang ako kumain habang nakikiramdam at nakikinig sa usapan nila.
"It's good, dad. Top 1 kami ulit sa companies ng cars around the world. And I'm planning to open a branch in Italy naman," tugon ni kuya.
"Wow! That's good to hear. Napakalayo na talaga ng narating mo, anak," puri naman ni mommy sa kan'ya.
Thirty years old na si kuya, tatlong taon ang agwat namin. Pareho kaming nagtapos ng Business Administration, ang kaibahan lang ay Master's degree lang ang natapos ko habang siya ay Doctoral.
"Congrats, kuya." Tinapik ko pa ang braso n'ya.
"You never disappoint me, Zion," wika ni dad at saka nilingon si Zendaya.
"Kaya ikaw, Zen, follow the steps of your Kuya Zion. Gayahin mo siya, palaging top 1 at marami nang napatunayan." Mayamaya ay napunta ang mga mata n'ya sa akin. "Unlike your Kuya Zayn, too close to be a failure."
Humigpit ang hawak ko sa kutsara. Ito, ito ang bagay na iniiwasan ko kaya ayaw kong kumakain o kahit umuuwi rito. No day that I've been exempted on his harsh words towards me.
"Vic, don't say that. Zayn is a good CEO of CardiScent. Matunog ang pangalan ng company nila around the Philippines, he's a famous businessman," pagtatanggol naman sa akin ni mommy.
Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. She always been my hero, she always see the good side on me. Mommy never pointed out my mistakes and failures.
Unlike dad, graduate siya ng Business Administration pero ang na-master n'ya ay kung paano mapuna lahat ng mali ko.
I heard his sarcastic laugh.
"Sa Pilipinas lang? At saka anong magagawa ng kasikatan kung hindi naman siya ang pinakamagaling? All my children should be the best," saad n'ya.
Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. "Dad, I'm doing my best to be the top 1, but I don't know why—"
"Then try harder!" putol n'ya sa dapat sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
Bitter Than The 2nd Time Around (#1 Taste Of Love)
RomanceTHIS STORY IS UNDER REVISION Si Louisa ay masikap at mapagmahal na ate sa kapatid niya. Simula nang maulila sila sa magulang ay siya na ang tumayong nanay at tatay ng nakababatang kapatid. Ngunit sa kakapusan sa pera, hindi siya nakakapagbayad ng re...