Louisa' POV
Sa isang iglap ay tila nagkaroon ng bara sa ngalangala ko at hindi ako makahinga. Daig pa pinaulanan ng bala ang nararamdaman ko ngayon. Deja Vu ba 'to? Feeling ko kasi nangyari na 'to, eh.
Nang maghiwalay silang dalawa ay sabay pa silang napunta ang tingin sa akin. Mukha namang hindi inaasahan ni Zayn na makita ako. Nawala lahat ng nararamdaman ko sa kan'ya at muli itong napalitan ng galit at sama ng loob. Gusto ko siyang bigyan ng black eye.
"H-Hogar, it's not what you think," saad ni Zayn.
"At sa tingin mo maniniwala ako?" turan ko, pilit na pinipigilang hindi mabasag ang boses.
Bago pa niya 'ko malapitan ay tumakbo na ako papalampas sa kanila. Tinakbo ko ang papalabas ng gate ng CardiScent na parang hinahabol ako ng aso. Hindi ko alam kung saan ako papunta, basta ang nasa isip ko na lang ngayon ay makalayo mula sa kan'ya.
Ganito naman ang ginawa ko noon, tinakbuhan ko ang lahat ng masasakit na alaala pero ewan ko ba, parang may lintik na compass 'tong buhay ko at bumalik pa rin ako sa kan'ya.
Napasigaw ako nang hindi ko napansin ang isang malaking bato kaya natalisod ako rito. Nasubsob ako sa may kongkretong simento.
"Hogar! Are you alright?" Naabutan ako ni Zayn at sinubukan akong alalayang tumayo ngunit tinulak ko siya.
"Kaya ko!" Tumayo akong mag-isa at saka ko pinagpagan ang damit ko.
"May sugat ka ba?"
Akmang hahawakan na niya ang braso ko ngunit lumayo ako para umiwas.
"Kaya ko nga sabi! Kung may sugat ako kaya ko namang gamutin, eh. Kaya ko, Zayn, kinaya ko kahit noon ay kinaya kong wala ka!"
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na mag-unahan na pumatak. Wala ako sa tubig pero nalulunod na ako sa luha, sa sakit, sa mga tanong na kung bakit paborito ako ng tadhana na gawing tanga? Na bakit paborito ako ng tadhana na saktan?
"Hogar, I can explain, okay? Nagkakamali ka ng iniisip," wika niya.
Umiling ako. "Hindi ang iniisip ko ang mali, ang pagbibigay sa'yo ng second chance ang mali, eh. Hindi na dapat ako naniwala na magbabago ka pa. Tahimik na ang buhay ko kasama si Levi tapos bigla ka na namang umeksena. Buo na 'ko no'n, Zayn, pero ngayon dinurog mo na naman ako na parang paminta!"
"Hogar, mahal kita. Ayusin na natin 'to, please. Aalis na nga lang ako papuntang Zambale tapos ganito pa tayo," naglalambing niyang sambit.
"Edi umalis ka! Mas mabuti nga kung hindi ka na babalik. Ayaw ko nang makita 'yang pagmumukha mo!"
Tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa terminal ng jeep. Hindi na siya nagtangkang humabol pa ngunit narinig ko pa rin ang boses niya na tumawag sa akin. Hindi ko na siya nilingon dahil natatakot ako na baka kapag nakita ko siya ulit ay lalambot na naman ako.
Tama na. Masyado ko nang kinareer ang pagiging uto-uto.
Pag-uwi ko sa condo ay tinext ko si Hazel na puntahan ako dahil siya lang naman ang nakakaintindi sa akin.
"Ate, sabi po ni Kuya Zayn manonood tayo ng sine ngayon. Nasaan na po siya?" tanong ni Levi habang naglalaro ng kotse-kotsehan.
Nakahiga ako sa sofa habang yakap ang sarili.
"Ate, sabay-sabay po ba ulit tayong kakain mamaya ni Kuya Zayn?"
"Hindi," walang gana kong tugon. Napipikon ako kapag naririnig ko ang pangalan ng hayop na 'yon.
"Pero bakit po?" Naramdaman kong tumayo siya at saka lumapit sa akin. "Tawagan mo na siya, Ate. Excited na po akong manood ng sine."
Napabangon ako at kaagad kong hinawakan ang magkabila niyang braso.
BINABASA MO ANG
Bitter Than The 2nd Time Around (#1 Taste Of Love)
RomanceTHIS STORY IS UNDER REVISION Si Louisa ay masikap at mapagmahal na ate sa kapatid niya. Simula nang maulila sila sa magulang ay siya na ang tumayong nanay at tatay ng nakababatang kapatid. Ngunit sa kakapusan sa pera, hindi siya nakakapagbayad ng re...