Louisa's POV
Lumabas nang umiiyak si Chin sa pinto. Napahinto siya nang mapansin niya ako ngunit nilampasan niya lang ako at tumakbo paalis.
Pagsilip ko sa loob ay nakita ko si Zayn na hawak ang pisngi. Mukhang siya ang sinampal kanina, at mukhang malakas iyon dahil muntik nang tumabingi ang panga niya.
"Hanap mo raw ako?" wika ko na dahilan upang mapansin niya ang presensya ko.
"Luis, have a seat," saad niya na parang walang nangyari.
"Kamusta ka na? Anong sabi ng doktor sa'yo?" Pinagdaop niya ang mga palad sa ibabaw ng lamesa.
"Maayos naman na ako. N-Narinig ko pala kayo ni Chin kanina. Pasensya na kung nag-away pa kayo nang dahil sa akin."
"Don't worry about her. Sinabihan ko lang siya dahil sa ginawa niya sa'yo. She's a drama queen, I don't know what she needs."
"Pero hindi mo dapat sinabi 'yon sa kan'ya. Babae rin ako kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niya. 'Wag mong i-invalidate ang nararamdaman ni Chin kahit na masama ang ugali niya."
"But she's hurting you. Nasaktan ka na niya, what do you expect me to do? Do nothing?"
Natigilan ako sa sinabi ni Zayn.
"Look, ayaw ko lang na nasasaktan ka." Naging malambing ang tono ng pananalita niya.
Pagak naman akong natawa kaya nangunot ang noo niya.
"Coming from you who hurt me first. Masyado kang concern sa ginagawang masama sa akin ng iba pera sa nagawa mo sa 'kin patay malisya ka. Ibang klase ka rin, 'no."
"Luis–"
"Kung wala ka rin namang sasabihing importante, mauuna na 'ko." Tumayo na ako at tinalikuran siya. Hawak ko na ang seradura ng pinto nang magsalita siyang muli.
"Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo 'ko?"
Hindi ko siya nilingon. Diretso lang akong nakatingin sa may pinto.
"Wala."
Dumiretso ako sa ospital para bantayan si Levi at para makauwi na rin si Hazel. Kasalukuyan kong sinusubuan si Levi ng lugaw.
"Say ah!"
Binuka nga ni Levi ang bibig at sinubo ko ang kutsarang may lugaw.
"Ate, bakit po ayaw niyo kay Kuya Zayn?" biglang tanong ni Levi.
"Bakit mo naman natanong 'yan?" saad ko.
"Narinig ko po kasi kayo ni Ate Zel na nag-uusap kaninang umaga."
Ibinaba ko ang mangkok sa lamesa na nasa tabi ng higaan ni Levi.
"Alam mo, Levi, hindi porket binibigyan ka ng laruan ni Zayn ay dapat na siyang pagkatiwalaan. Mas matagal ko na siyang kilala kaya mas alam ko na ang tunay na kulay niya."
"Pero hindi lang naman po laruan ang binigay niya sa akin, eh. Siya rin po ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Hindi naman po siya masamang tao, Ate."
Natigilan naman ako. Saka ko lang nakuha ang punto ni Levi. Masyado na ba akong naging masama kay Zayn? Siguro ay nabulag na rin ako sa galit ko kay Zayn kaya hindi ko nakikita kung anong mga magagandang bagay na ginagawa n'ya.
Pero ewan, hindi ko rin mapigilan na magalit.
"Alam mo, Levi, bata ka pa kaya hindi mo pa maiintindihan sa ngayon. Kapag nagmahal ka na rin katulad ko at nasaktan, maiintindihan mo ang sinasabi ni ate, ha. Sa ngayon, magpalakas ka na muna," saad ko at muling kinuha ang mangkok ng lugaw saka pinagpatuloy na pakainin si Levi.
Ilang sandali pa lang ay sabay kaming napatingin sa may pinto nang bumukas iyon at niluwa nito si Hazel na may dalang dalawang bouquet ng bulaklak.
"Special delivery for Levi!" wika ni Hazel at inilapag ang isang bouquet sa tabi ng kapatid ko.
"And one for you, cuz."
Nagulat ako nang ibigay niya sa akin ang pangalawa. Wala sa sarili kong tinanggap iyon.
"Teka, binili mo 'to?" nagtatakang tanong ko.
"Hala, ako bibili ng bulaklak? Syempre hindi, galing 'yan kay Zayn. Pinapabigay sa inyong dalawa, ang sweet 'di ba?" Parang inasinan na bulate 'tong babae na 'to habang sinasabi iyon.
Pinagmasdan ko ang bungkos ng bulaklak. Pink roses iyon, hindi naman ako mahilig sa bulaklak. At saka hindi ko rin inaasahang bibigyan n'ya ako ng ganito. Isang pagkakataon lang naman ng buhay ko inaasahan kong mabibigyan ako ng bulaklak, eh. Sa lamay ko.
"Anyway, may balita ako sa'yo. Good news and bad news, anong gusto mong marinig na una?" pag-iiba ni Hazel ng usapan.
Tahimik lang naman nakikinig si Levi sa aming dalawa.
"Uhm, good news?" tugon ko.
"Hindi ko alam if good news ba talaga 'to pero 'yong matandang may ari ng compound na may gusto sa'yo, hayon at tuluyan nang kinain ng lupa."
"You mean..."
Napaigtad ako nang pumalakpak siya.
"Tumpak! Deads na siya, tegi, tigok, rest in peace, and goodbye Philippines!"
Ibang klase. Namatay nga ang lolo niya sa sakit sa puso tapos ngayon si Mr. Toyota naman ang sumunod. May sumpa yata ang compound na iyon at lahat ng nagma-manage ay namamatay.
"Eh, ano naman 'yong bad news?"
"Kapatid na ni Mr. Toyota ang magmama-manage ng compound. Si Ms. Mercedes Benz," turan naman ni Hazel.
Nangunot ang noo ko. "Bakit naman naging bad news 'yom?"
"Eh, kasi pinapalayas na lahat ng nakatira sa compound dahil gagawin ng amusement park 'yong lugar na tinitirikan ng rental apartment n'yo! Ang balita ko nga ay nasa compound ngayon si Ms. Mercedes kasama ang demolishing team."
Agad akong napatayo sa sinabi ni Hazel.
"Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!" singhal ko sa kan'ya.
"Good news kasi ang pinili mong mauna, remember?"
Hindi na ako sumagot pa sa walang kwenta niyang dahilan. Kinuha ko na ang bag ko at saka tumakbo papalabas ng ospital. Pupunta ako ng compound, hindi ako papayag na palayasin kami nang gano'n-ganon'n lang!
BINABASA MO ANG
Bitter Than The 2nd Time Around (#1 Taste Of Love)
RomanceTHIS STORY IS UNDER REVISION Si Louisa ay masikap at mapagmahal na ate sa kapatid niya. Simula nang maulila sila sa magulang ay siya na ang tumayong nanay at tatay ng nakababatang kapatid. Ngunit sa kakapusan sa pera, hindi siya nakakapagbayad ng re...