Louisa's POV
"Pumapayag na 'kong ligawan mo 'ko ulit," saad ko.
Napataas ang mga kilay ni Zayn. Hindi siya agad nakagalaw at nagmistulang manequen dahil sa pagkabigla. Minabuti ko nang lumapit sa kan'ya at saka ako pumitik ng daliri sa harapan niya na siyang nagpabalik sa kan'ya sa ulirat.
"Hoy! Matutuklaw ka na ng sawa hindi ka pa rin gumagalaw riyan. Ano, wala ka man lang bang sasabihin?" Nagpamewang ako sa harapan niya.
"I-I'm sorry, na-shock lang ako. Wait, seryoso ka ba? Hindi ka nabibigla?"
"Oo seryoso ako. Alam kong mukha akong balabag pero seryoso ako sa sinabi ko. Bakit? Ayaw mo yata, eh, sige 'wag na lang,"
Akmang tatalikuran ko na siya nang bigla niyang hilain ang braso ko at saka niya ako niyakap. Nanlaki ang mga mata ko at saka ako nag-angat ng tingin sa kan'ya. Ang mga mata niyang umiilaw kagaya ng flashlight ay nakatitig din sa akin na parang hindi pa rin siya makapaniwalang nag-eexist pala ako.
"Gusto, gustong-gusto ko. Thank you, Luis. Pangako, hindi ko na sasayangin 'tong pangalawang pagkakataon na binigay mo sa 'kin. I will love you every now and then," saad niya na siya namang nag-send ng signal sa puso ko para mag-party sa loob ng katawan ko.
"Kailan mo ba masasabi ng tama ang pangalan ko, ha? Louisa Madrigal 'tong nasa harapan mo hindi Luis Manzano, baka namamalikmata ka."
Bahagya siyang natawa.
"Ang haba ng Louisa, p'wede bang hogar na lang?"
Naningkit ang mga mata ko. Palitan ba naman pangalan ko.
"Hogar?" nagtatakang tanong ko.
"Yup, it means home."
Nag-init ang mga pisngi ko. Minsan nakakakilig din naman ang kagaguhan ng lalaking 'to.
Nang sumapit ang Lunes, inanounce na hindi na muna kami magkakaroon ng mga photoshoot dahil on-going na ang printing ng brochure at saka ng billboard na ipapaskil sa may highway. Nandito kami ngayon sa isang restaurant para sa isang munting selebrasyon.
"Let's have a toast for finishing our projects this month and also for the opening of the new branch ng CardiScent sa Zambales!" wika ni Bubblegum habang nakataas ang wine glass niya.
"Cheers!" sabay-sabay naming turan at narinig ang kalansingan ng mga baso namin.
"Ikaw naman, Sir Zayn, baka may gusto kang sabihin. Kahit short message lang," saad naman ni Harvey.
Tumingin si Zayn sa akin kaya tumango naman ako. Tumayo siya habang hawak ang wine glass.
"Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat dahil sa mga effort na binigay niyo. I'm very much thankful for everyone, and sana itong simpleng blowout ko para sa inyo ay ma-appreciate niyo as my thanksgiving."
Nagpalakpakan kami. Magkokomento sana ako na hindi naman simple itong blowout. Nakakaloka ang mga prices ng pagkain. Kagaya na lang nitong spaghetti nila, three hundred fifty ang presyo, akala mo galing sa bundok ng Pinatubo ang kinuhang rekados.
Nang makaupo si Zayn ay nagsimula na kaming kumain. Pinagbalat ako ni Zayn ng hipon kahit na sinabi kong hindi naman ako PWD.
"Ako na nga sabi. Kaya ko naman," pilit ko ngunit ayaw niya talagang ibigay.
"Just stay put there, okay? Let me serve my queen, kung may gusto ka pang pagkain sa menu sabihin mo lang para ma-order ko. Anong gusto mong dessert? Baka may gusto ka pang ulam magsabi ka lang."
"Mamamatay na ba 'ko?" tanong ko na nagpakunot sa noo ni Zayn.
"What the hell are you talking about?"
BINABASA MO ANG
Bitter Than The 2nd Time Around (#1 Taste Of Love)
RomanceTHIS STORY IS UNDER REVISION Si Louisa ay masikap at mapagmahal na ate sa kapatid niya. Simula nang maulila sila sa magulang ay siya na ang tumayong nanay at tatay ng nakababatang kapatid. Ngunit sa kakapusan sa pera, hindi siya nakakapagbayad ng re...