PROLOGUE

3K 47 1
                                    


-

"Nyx dude ang ganda ng class mentor natin nakakabighani at balita ko galing pa ng France" pagbabalita ng kaibigan kong si Margot.

Nakahiga at busy ako sa pag cecellphone dito sa mismong unit namin,sampu kaming magka roommates dito sa training center at ganun din sa ibang team.Sumali kasi kami ng isang organisasyon kaming magkakaibigan, nung una ayaw ko talaga sa mga ganito kasi physicalan na eh may combat na magaganap at dahil may kaibigan ka na gusto mag military sinamahan na rin namin sa advance training.

"Wala akong pake kung saan planeta pa yan galing parepareho lang din naman ituturo nila" sagot ko na lang sa kaibigan ko na nakaupo na ngayon sa may paanan ko.

"May point ka rin naman...tika saan ba si Luya?" tanong ni Margot.

Hinanap niya si Ginger "Lumabas yon" simpleng sagot ko na lang.

"Gag* malapit na ang oras may curfew na mamayang alas nuebi" nataranta pa niyang sabi habang ako busy pa sa cellphone sinulit ko lang dahil sa gabi lang kami may oras makahawak nito at limited time pa.

-

Pasado alas singko na at lahat kami ngayon ay naghahanda na para sa gagawin naming activity ngayong araw.
Nasa gymnasium na kami lahat nagtitipon dahil may anunsyo na magaganap bago magsimula sa training.Umalis mo na ako sa grupo para mag comfort room habang hindi pa nagsisimula,tinahak ko ang daan papuntang comfort room dito sa gymnasium na ito.Pagbukas ko ng pinto tumambad sa akin ang isang babae na nakaharap sa salamin.I checked her, she was wearing a black dress with a slit on the side then she a pair of combat shoes? I just laughed because her outfit is weird siguro napansin niyang may tumawa lumingon ito sa gawi ko while her legs crossed.

I scanned her and I noticed that she was looking at me with poker eyes "What's funny?" she said without changing her expression, at yong boses niya na sobrang lamig pa sa yelo.

I Shrugged my shoulder before I answer her " wala naman..your outfit suits you well" naka ngiti kong sabi but she rolled her eyes at me.Abat!

Humarap na ulit siya sa salamin habang inayos ang suot niyang blazer.All black talaga?Sa bagay she looks cool in what she's wearing bagay sa kanya kung hindi ewan ko na lang.

"What Platoon are you?" tanong niya habang nag hugas nag kamay.

"Hahaha alam ko na ang mga ganyan galawan. Pag sinabi ko ang platoon ko,hahanapin ako at sasabihin pinatawag ka ni ano " natatawa kong sabi pero siya inikutan lang ako ng mata.

"Whatever" saka humarap ito sakin na may makahulugang ngiti sa labi "I'll see you then"binangga ako sa balikat pero hindi naman kalakasan.

Pagbalik ko sa team namin nagsisimula na mag salita yong speaker "akala ko nalunod kana sa inidoro ang tagal mo bumalik,ano ba ginawa mo don?" salubong sakin ni Margot pag upo ko sa tabi niya.

"Siguro naligo?" napahagikhik ng tawa si Ginger sa sagot ko na agad naman siyang siniko ni Margot since nasa gilid lang siya. "Tumahimik ka nga" saway ni Margot sa kanya..

"LET'S ALL WELCOME OUR NEW MENTOR MS. STELLA SULLIVAN, SHE IS FROM FRANCE AND SHE IS ALSO ONE OF THE BEST FIGHTER-" I was deaf when I saw her come out and walk towards the speaker, fuck! ang babaeng nakausap ko sa comfort room kanina ay mentor namin.

Pansin ko na parang may hinahanap ang kanyang mata hanggat sa tumigil ito sakin at sumilay ang makahulugang ngiti niya pagkakita sakin.Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil ba sa nagtagumpay siya o sa simpleng ngiti niya.

Bitter Rivalries (Intersex)Where stories live. Discover now