CHAPTER XII

688 15 0
                                    


-

Antok na antok akong pumasok sa room pagpasok pa lang namin nagkagulo mga kaklase namin at mukhang excited pa.

Dumiretso na lang ako sa upuan ko saka yumuko na lang para makatulog.

May practice kasi kami kahapon sa race after that nagyaya naman yung director mag celebrate. Na surpresa ako kasi iyong hinahangaan kong international rider maging kapartner ko sa race,naknampucha sino hindi kiligin diyan.

"Hoy,ang ingay niyo ano ba meron ha?" sita ni Margot pero naki tsismis naman.

"May magaganap na team building next week!" gumising ata kaluluwa ko sa sagot ng isa kong kaklase.

Putcha! Next week na rin yong laro namin.

Napalingon naman ang dalawa sakin,na may pag-alala.

"Ilan days ba yan?" si Ginger.

"1 week yong team building, doon sa resort ni miss Irene sa Baguio" napahilamos na lang ako sa mukha.

Ang layo, babyahe ka pa ng ilang oras para lang makarating ka sa race.

"Bawal mag excuse?" tanong ko.

Napa complicated naman,nagsabay sabay pa talaga.

"Sa pagkakaalam ko magpasa ka ng letter kay miss Sullivan." anak nam hindi pwedeng malaman niyang aabsent ako dahil sa race.

Napabuntong nalang ako ng malalim na hininga.

Kailangan ko gumawa ng paraan.

"Anong department ang kasali?" tanong ko ulit.

Pwedi naman ako sumabay nalang sa ibang department.

" Engineering and BSBA" this time yong president sa class room na namin ang sumagot.

So pwedi ako sumabay sa Architecture kay Eva. Sana nga lang pumayag si Stella.

"Kay Eva kana sumabay" si Margot.

"Pinag-iisipan ko pa" baka kasi ayaw pumayag ni Stella.

Speaking of Stella, nandito na siya at tanging irap lang siya sa direction ko.

"Hala,kita ko ang pag irap ni maam-sayo"kinikilig pa na sabi ni Margot.

Siniko ko ito "Ingay mo".

"Does everyone know the upcoming team building?" paninimula niya.

Hindi ito tumingin sa gawi ko,anyare sa babaeng to.

"Yes ma'am" sagot ng mga kaklase ko.

"Any further questions?"

Someone raises their hand.

"Yes, Mr.Alejandro?" napatingin naman ako sa tinukoy niya.

"Are you single miss?" anak nampuchang tanong yan.

Tumawa ang lahat except nalang doon sa babae sa unahan na umigting ang banggang.

"Is that related to our topic Mr.Alejandro?" malamig niyang sabi.

Hehe slay miss.

"Not ma'am but-" hindi siya pinapatapos magsalita.

"No." ohh hindi siya single?

"Anything else?" dugtong niya at halata ang sarcastic niyang pagkasabi.

"No ma'am.I'm sorry po" umupo na yong lalaki.

Yan napala mo.

"If there are no further questions, you may go class dismiss" Sabi niya saka na unang lumabas.

Bitter Rivalries (Intersex)Where stories live. Discover now