—
“Nyx!” tawag ni luya sakin.
Binabaktas ko kasi ang daan patungo sa opisina ni Stella at gusto ko lang siya kamustahin. Hindi na kasi ito pumasok simula nong may nangyayari sa kanya at mas lalong hindi ko narin ito nakita sa condo niya.
“Luya, hayaan mo muna ako pupuntahan ko lang—” agad naman naputol sasabihin ko.
“Si Stella?..Nyx naman halos araw araw kana dumalaw diyan ni hindi mo nga siya nakita!” napaigtad ako sa halos pasigaw na sabi ni Ginger sakin. “I.. I'm sorry” umiwas itong tumingin sakin saka napayuko.
Pansin ko ang malalim niyang paghinga.
“J-just leave now” utos nito na ikatango ko na sakto rin dumating si Margot.
“what's going on here?” tanong ni Margot paglapit niya.
“Nothing” Sabi ni luya saka nag walk out sa harap namin na sinundan agad ng pagtatakang tinginan ni Margot.
Nilingon niya ako and she's about to speak na inunahan ko.
“I'll leave you”
Iniwan ko si Margot na alam kung naguguluhan sa pangyayari sa pagitan namin ni Ginger. Pero kailangan ko parin makasiguro sa nahagip ko kanina, at sigurado ako na si Stella ang nakita ko.
Nasa harap na ako ng opisina ni Stella pero bago paman ako kakatok, may nagsalita sa aking likuran na agad kong binalingan.
She's wearing black fitted dress and black stiletto at ngayon unti-unti niyang tinanggal ang suot niyang shades na agad akong napaatras.
“Are you looking for me, honey?” she's still wearing a creepy smile nagpapagulo sakin.
“Sino ka? wagka lumapit sakin” nagtangka siyang lapitan ako na agad ko itong pigilan.
“shhh don't be so loud” nakangiti parin niyang sabi.
Nilibot ko ang aking paningin at wala na kasing katao-tao, halos nag uwian na mga estudyante at professor since mag aalas sais na rin kasi ng gabi., Bandang alas kwatro ko naman nahagip si Stella kaya nagdesisyon ako na dumiretso didto pagkatapos ng anunsyo.
“Sino ka ba ha! Hindi kita kilala at saka hindi Ikaw hinahanap ko!” halos pa sigaw kong sabi sa kanya nagpawala sa ngiti nito,na agad naman siyang nakakuyom.
“Did you hear yourself.Nyx Henderson?” madiin niyang sabi sa pangalan ko na ipinagtataka ko naman.
“Bat mo ako Kilala? Sino ka ba talaga?!” tumawa ito ng bahagya saka naglakad ulit palapit sakin na agad akong napaatras muli.
Hanggang sa wala na akong maatrasan.Kaya malaya na niya akong na corner and she's about lifted my face ng marinig ko ang pamilyar na boses na nagsalita sa likuran niya.
“What is this, Amelia!” boses pa lang niya alam ko na naiinis na ito.
Humarap ng matuwid itong Amelia kay Stella, at saktong pagharap nito nagtama ang aming mata ni Stella na ikinalunok ko.
‘shit!’
“Henderson?” nagpalipat-lipat ang kanyang mata sa babaeng nakangiti parin.
“Le-let me explain,Stella” lumapit ako sa kanya na agad niya akong pinigilan.
“Hanggang dyan ka lang,Nyx” saka naman siya lumapit kay Amelia na hanggang ngayon nakangisi pa itong nakatingin sakin.
“ne touche pas à ce qui est à moi, Amelia”[don't touch what's mine, Amelia].
Naalerto na lang ako sa biglang sarkastiko na pagtawa nitong Amelia saka napailing.Wala akong maintindihan sa sinabi ni Stella.
“Yours? you just stole her from me my dear,sister”
YOU ARE READING
Bitter Rivalries (Intersex)
Short Story"If our love is tragedy then are you my remedy?" - Stella Sullivan