–
It's been a week since the band happen.Hindi naman nawala ang issue tungkol kay Stella na may anak na raw ito,umiiwas naman ako sa kanya pag sumubok itong lumapit sakin at gumawa ng rason para hindi ko ito makausap man lang.
Mag-isa akong nandito sa gym ngayon,after class dumiretso talaga ako sa gym ginawa ko na nga itong tambayan without knowing them.
Nag dadumbbell ako ngayon naka airpods habang nakikinig ng music,pagbaba ko sa dumbbell bigla na lang may pumapalakpak habang nakangisi ito.
“Akalain mo naman dito lang pala kita makikita” nakangiti nitong tugon.
I shrug my shoulders while looking straight at this person in front of me.
“What do you want?” kalmado kung sabi na ikinatuwa niya lang.
“Wala man lang kamusta diyan?” mapang-asar siyang napatawa.
I rolled my eyes saka napabuntong hiningang tinalikuran siya.
“Gusto kitang makalaban” Sabi niya na ikinalingon ko sa gawi nito at sumilay naman ang mala demonyong niyang ngiti. “Don’t tell me mahin—”
“Game” sagot ko agad kaya napatango tango na lang siya.
Matagal na ako nagtitimpi sa kanya lalo na sa mga nalalaman ko kay Eva.Ngayon na kaharap ko na ito hindi ko ito palalagpasin sa pamamagitan ng laban sa ring.
Nakasuot na kami ng chest protector at boxing gloves sa isa't-isa, ngayon ko lang napansin kasama pala ni Ingrid mga kaibigan nito na ngayon ay nanonood sa baba.
“Kaya mo yan boss” sigaw sa isa sa mga kaibigan ni Ingrid.
We're now facing each other at nag antay na lang kung sino ang mauna samin.
“Balita ko doon ka nag aral sa university ni Stella hahaha” Sabi niya saka sumuntok na agad kong naiwasan.
“Well,tama ka” suntok ko sa kanya natamaan naman siya sa may panga.
Napahiyaw naman ang mga kaibigan nito.
“Kung ganon pala ay nagkita na naman kayo” Sabi niya saka sinugod ako sa malakas niyang suntok na tumama din sa bibig ko.
Naging mainit na rin itong labanan namin,dahil bigla naman siyang sumugod sakin at ganun din ginawa ko sa kanya hanggat sa ginamit na namin ang binti para maitumba.
“Bulshit!” Sabi niya pag tayo “tumatapang kana ngayon,tignan natin” agad akong sinugod saka akma na siyang sumuntok na inilagan ko dapat pero, ibang kilos ang ginawa niya yon ay pinatid ang binti ko na may injury sa ginawa niya dati fuck!
Napaluhod na lang ako sa sakit kasunod naman ang suntok niya sa may bibig ko tumama,she's about to punch me na may sumigaw “That's enough!” sabi ng babae na hindi ko kilala kaya nasa kanya ang atensyon ng lahat.
Nag gym din siguro siya base sa suot niya ngayon naka leggings at sports bra lang ito.
Ngayon ko lang siya nakita dito sa gym o di kaya nagkalihis kami ng schedule.
She's walking towards our direction pero yong mata niya nakatuon sa akin.
Who is she?
“You! and your friends can no longer enter this gym” Sabi ng babae kay Ingrid na agad naman tinawanan ng bruha.
“Sino ka ba para pasipain kami?” palaban na sabi Ingrid sa babae.
Napabuntong hininga naman ang babae.
“Ako lang naman ang may ari ng gym nato,kaya may karapatan akong mag paalis sa taong katulad mo.Now pack your things and leave this gym” madiing sabi ng babae.
YOU ARE READING
Bitter Rivalries (Intersex)
Short Story"If our love is tragedy then are you my remedy?" - Stella Sullivan