"TULONG!!" malakas na sigaw ko habang yakap yakap ang anim na batang naiiyakan sa takot.
Kitang kita ng mga mata ko ang nagliliyab na kisame ng kumbento at ang nakadapa na si Mother Isabelle habang may isang malaking kahoy na nag liliyab den na nasa likod neto.
Mahigpit ang pag kayakap ko sa anim na bata na sobrang lakas ng iyak at kita sa mga mukha nila ang takot.
"Tulungan nyo kame pakiusap!" kahit halos mapaos na ako ay hindi ako tumigil sa pag sigaw.
Ganun nalang ang pag baling ko sa may pinto ng kumbento ng pumasok ang mga fire rescue team na may dalang hose at tinukop nila ang nag liliyab na hapoy na nakapalibot sa amin ng mga bata.
May isang lalaki ang kumuha sa tatlong mga bata at agad nya itong nilabas at sumunod naman ang isa pang lalaki na nag labas den sa sumunod pa na tatlo.
Nang ako na dapat ang kukunin nila ay biglang may nahulog na kisameng nag liliyab at mas lalong nag apoy ang paligid kita ko sa may pinto na hindi alam ng mga fire recue team kung paano papasok.
Sa mga oras na ito pakiramdam ko ay katapusan ko na pero may ngiti sa mga labi ko dahil nakalabas ang mga bata na kanina ay akap akap ko pa dahil akala ko ay sama sama na kameng lalamunin ng apoy dito pero gumaan ang nararamdaman ko ng na i rescue sila.
Ubo na ako ng ubo at parang ma uubusan na ako ng hiningi pero kita ko paren kahit malabo na pinipilit gumawa ng paraan ng mga Rescue team kahit mukhang imposible na na mailigtas pa ako at ako den sa sarili ko ay nawawalan na ako ng pag aasa.
Pero hindi mabigat iyon sa loob at parang pabor pa ako kung sa kaling kasama den akong lamunin ng apoy dahil pakiramdam ko wala na reng dereksyon pa ang buhay ko at mas okay nalang na mag pahinga na ako.
Masaya na ako na nakaligtas ang mga bata pero malungkot dahil nawala ang mga taong nag aalaga sa amin kasabay ng pag kawala ng kumbento na tinitirahan namen.
Papikit na ang mga mata ko at handa na akong sumuko may dumaiing sa gilid ko nag uubo ito.
"H-Help m-me" na uutal na sabi ng bata na nakadapa sa gilid ko at kitang kita ng mata ko ang paa nyang naipit sa isang istatuwa na nasusunog den.
Hindi ko alam ang gagawin ko pero bigla ako nag karoon ng lakas ng loob muli para sumigaw dahil hindi ko makaya na makita ang batang ito na kasabay kong mawawala sa mundo.
"Tulungan nyo kame may bata pa dito" kahit hindi ko na kaya ay sinubukan ko paren sumigaw ng sumigaw at lumapit ako sa bata para hawakan ang kamay nya na nanginginig kita ko ang takot sa mga mata neto.
"W-Wag kang mag alala makaka ligtas tayo" nang hihinang sabi ko at ngumiti sa kanya kahit walang kasiguraduhan kung talagang makaka alis pa kame sa kinalalagyan namen ngayon.
Nakarinig ako ng mga sigawan sa labas ng kumbento at kita mula sa binta na malapit sa amin ay may nag buhos bg tubig.
Na tukop ang apoy roon at may biglang nag hagis sa banda namen ng isang bimpo na basa na agad kong kinuha at inilagay sa ilong at bibig ng batang kasama ko.
"W-Wag mong alisin sa bibig mo iyan para makahinga ka" sabi ko sa ng hihinang boses at kita ko naman ang pag tango nya hindi ko alam pero nakaramdaman na ako ng antok pinilit kong labanan iyon pero bigla nalang akong napa pikit at hind ko na alam ang mga sumunod na nang yare.
BINABASA MO ANG
SGS#1: KILL HER
RandomStreet Girls Series #1 The story of Klade Santiago Morano and Kara Ria Palomino. Madaming sekreto ang mabubunyag. Mga pag kakamaling hindi na ba maitatama? Mga sugat na hindi na mag hihilom. Mga planong pag sisihan sa huli. Death first before happ...