CHAPTER 03

4 0 0
                                    

TAHIMIK na nag babasa ng libro si dina ng maabutan ko sya sa jank shop nila kita ko ang seryosong mukha nito habang naka harap sa libro.

"Dina" mariing tawag ko rito at agad naman itong humarap sa akin.

"Oh Kara nandito ka pala" maligalig na bati nito sa akin.

"Ahh oo bebenta ko sana tong mga nakalakal namen kaninang umaga sainyo paki kilo nalang" Tinignan ni Dina ang mga dala ko.

"Aba madami dami ang nakuha nyo ngayon ah" nakangiting sabi nya at tumayo ito at inilabas ang timbang mula sa ilalim ng mesa nya.

"Madami kameng nakalaka kina Greta kanina" tumango tango naman ito at lumapit sa kariton ko para kuhanin ang mga naka plastic na bote at tinulungan ko naman ito.

Tinimbang nya ang mga ito at kahit papaano ay malaki ang nakuha ko sa mga bote nasa tatlong daan mahigit den ang ibinigay sa akin ni Dina at inabutan pa ako nito ng isang daan para daw tulong nya sa amin ng mga bata.

"Nakakahiya naman dina" sabi ko rito pero inakbayan lang ako nito.

"Ano kaba Kara wala ng hiya hiya sa panahon ngayon lalo na at may mga anak ka na pinapakain" sabi nito at bigla itong nag labas ng yosi sa bulsa ng maong shorts nya.

Inalis nito ang pag kaka akbay sa akin at sinindian ang yosi at sinisip ito at binuga sa kawalan.

"Kumusta na pala kayo ng mga bata?" tanong nya habang nakatingin sa mga ulap at hinihigop ang kanyang sigarilyo.

"Eto kinakaya panaman namen at nakakapag aral naman sila kahit paapano" sumingap ito at binalingan ako ng tingin.

"Alam mo proud na proud ako sayo dahil kahit hindi mo laman at dugo yung mga batang yun ay kaya mong isugal ang buhay mo sa kanila" bigla akong natahimik sa sinabi ni Dina at wala sa sariling mapait na napangiti.

"Sumumpa ako sa dyos na kahit anong mangyari ay hindi ko sila pababayaan at mamahalin ko sila ng parang tunay na pamilya ko" hindi ko alam na nag luluha na pala ang mga mata ko.

"Naku na sosobrahan na ata tayo sa drama eh" sabi nito sa akin at itinapon nya sa paanan nya ang yosi at agad na inapakan ito "Osya na umuwi kana sainyo at baka hinihintay ka na ng mga bata" marahan akong tumango rito at nag pasalamat ulit bago ko itinulak ang karito palabas ng jank shop nila.

Sa kalaginaan ko sa pag tutulak ng kariton pauwi sa amin ay na daanan ko sa gilid ng bukanan papasok sa Village namen si Angel at kita ko sa magandang mukha nito ang inis sa lalaking kausap nya na bago sa paningin ko.

"Ikaw lalaki ka namumuro kana sa akin" sabi nito habang dinuduro nya pa ang lalaki ng hawak nyang stick pantusok ng fishball.

"I will buy all of this fishballs so that you have free time, let's have a date" napakamot naman sa sentido si Angela na para bang na uubusan na ng pasensya.

Umiiling ako ng dumaan sa kanila napatigil lang ako ng bigla akong tawagin ni Angel.

"Kara! Uy!" sigaw nito kaya agad akong bumaling sa kanya.

"Angel kumusta?" itinabi ko muna sa may gilid ang kariton at lumapit kay Angel.

Nang makalapit ako rito ay napa baling ako sa lalaking ka usap nya at kitang kita sa lalaki ang pagiging mayaman nito at amoy na amoy den ang mamahalin nitong pabango hindi ko ren makipag kaka ila na ang gwapo nya.

"Hey miss sorry but I'm taken stop staring at me" mapag laro sabi nito sa akin.

"Hoy Adrian tigil tigilan mo yang kaibigan ko ah baka ilublub kita dito sa nag liliyab na mantika" naiinis nasabi ni Angel dito.

SGS#1: KILL HER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon