CHAPTER 16

2 0 0
                                    

"ARE you okay Kara?" nawala ang malalim na iniisip ko ng mag salita si Jaja na nag mameho ngayon.

"Okay lang ako"

"Kanina ka pa kasi may iniisip dyan eh I'm getting worried about you Kara, hindi ka ba nya sinasaktan?" tanong neto sa akin.

Hindi nya ako sinasaktan tinutukan lang ng baril

"Hindi naman" sagot ko rito at kita ko naman nakampante ang nag aalalang mukha neto. 

Tahimik na kame buong biyahe hanggang sa makarating kame sa Mansion.

Hindi na bumababa si Jaja dahil may gagawin pa daw ito dahil may iuutos pa daw sa kanya si Klade.

Pag pasok ko ng mansyon ay na abutan ko si Vlade na naka yuko na sa may center table sa sala at mukhang na pagod ito kaka aral.

Nilapitan ko ito at binuhat para dalhin sa kwarto neto.

Kahit na 11 years old na ito ay hindi ito mabigat dahil sa payat lang sya kahit na matangkad sya.

Hiniga ko sya sa kama nya at hinalikan ko muna sya sa noo bago ako umalis sa kwarto nya at pumunta ng kwarto ko para mag pahinga na.

Ibinagsak ko agad sa malambot na kama ang katawan ko at tumitig sa kisame ng bigla kong naalala ang nangyare kani sa opisina ni Klade.

Ano ba yan Kara nagiging manyakis kana ata!

Hindi ko alam pero napangiti ako ng mahawakan ko ang labi ko pakiramdam ko ay nandoon paren ang mga labi nya at naka lapat sa akin.

Flashback

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko na gumgalaw na ang labi nito na para bang gusto na nitong buksan ang bibig ko at pasukin.

Marahan ang galaw nya habang ako ay naninigas paren at hindi alam ang gagawin dahil sa totoo lang eto ang unang halik ko.

Ang first kiss ko.

Mas lalong may kung anong kumabayo sa dibdib ko ng maramdaman ko ang dila nya na dinidilaan ang labi ko at bubukas ng sana ang bibig ko ng marahas ko itong itulak dahil narinig ko ang pag bukas ng opisina nya.

"Boss" pareho namen tinignan ang kaka rating lang na si Jaja na naka tingin den sa amin ngayon.

"Ehem.." nilingon ko ang nakatalikod na si Klade at kita ko na namumula ang tenga neto "Bring her home" biglang naging malamig ang boses nya at nakita ko pang niluwagan nya ang necktie nya bago umupo sa swilve chair nya.

"Let's go kara" mabilis akong lumingon kay Jaja at tumango.

Kinuha ko ang paper bag sa desk ni Klade na ngayon at naka tingin sa mga folder na hawak nya at kinuha ko den ang bag ko sa upuan.

Naunang nag lalakad sa akin si Jaja at nakasunod naman ako sa kanya.

Hindi ko napigilan na lingonin umit si Klade nakita kong nakatingin den ito sa akin at naka kagat labi.

Nang mapansin nya na nilingon ko ay mabilis nyang ibinalik ang tingin nya sa folder na hawak nya.

Nang makalabas na kame ng opisina nya ay pakiramdam ko naka hinga na ako ng maluwag.

End of Flashback.

Huli na ng marealize ko na naiwan ko pala yung paper bag sa kotse ni Jaja at napa papalo naman ako sa noo ko.

Dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko kanina sa biyahe hanggang pag dating sa Mansion ay nagawa ko ng makalimutan ang mga to.

Sinubsob ko nalang ulo ko sa kama hanggang sa dalawin ako ng antok at para medyo makalimot naren sa nangyare kanina.

SGS#1: KILL HER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon