CHAPTER 04

5 0 0
                                    

INUWI ko muna si Vlade sa bahay at inabilan sa kapit bahay namen na si Kikay na anak ni Aling mariposa sa Vlade inabutan ko ang dalaga ng tatlong daang piso bago ko sila iwan.

Napag desisyonan ko na, na punatahan ang adress na ibinigay sa akin ng lalaking tinatawag na Kuya Manong ng mga bata.

Kahit pa hindi ako sigurado bat nya ibinigay ang papel na hawak ko ngayon.

Iniisip ko tuloy baka ipa bayad nya sa akin yung tinulong nya sa amin doon sa kotse okaya naman baka ako ang mag babayad talaga eh ginawan nya lang ng paraan na hindi na mag eskandalo yung si Charlin ang pangalan.

Sumakay ako ng jeep papuntang balibago dahil ayun dito sa papel ay sa balibago nakatirik itong... hindi ko alam kung anong klaseng establishment ito.

"Bayad po sa balibago lang po isa" napatingin ako sa isang babae ng marinig ko kung saan ang destinasyon nito.

Naka suot ito ng formal na damit naka heals sya at naka bun ang buhok sobrang linis ng pag kakaipi ng buhok nya.

May hawak syang mga folder sa kanang kamay nya habang sa kaliwa naman ay isang sling bag na mukhang branded.

"Miss excuse me" napatingkn ito sa akin at nakita ko ang pag tataka sa mukha neto.

Buti nalang ay mag kaharap lang kame at madaling lang nya mauunawaan na sya ang kausap ko.

"Yes" nag tatakang tanong neto.

"Alam mo ba kung saan toh" iniabot ko sa kanya ang hawak kong papel at kumunot ang noo nya ng tignan ito.

"Aba, dito ako nag tatrabaho at calling card to ni president ah" tignan ako neto na parang sinusuri.

"Ganon ba? Pede ba akong sumabay sayo? Hindi ko kasi alam kung paano pumunta roon" nahihiyang sabi ko rito.

"Oo naman, no problem" sabi nito kaya nginitian ko sya.

Nang pumara sya ay doon na ren ako bumaba nag lakad pa kame sa may gilid ng kalsada dahil hindi na daw pinapasok ng mga jeep ang lugar kung saan kame papunta.

Ng lumiko kame ay inaya nya akong pumasok sa isang malaking building na sa tingin ko ay abot langit na dahil sa taas neto.

"Tara miss sama ka sa akin para papasukin ka" tumango at sumunod lang ako rito.

"Goodmorning Delaila" ngiting bata sa kanya ng guard at napabaling sa akin "ay pasensya kana miss pero hindi po pedeng manlimos dito" napayuko ako at namula sa kahihiyan dahil sa sinabi ng guard sa akin.

Halos lahat naman ata ng makaka kita sa akin ay iisiping nanlilimos ako dahil sa suot kong mahabang palda na may punit ang white t-shirt na sobrang dumi dahil sa kanina habang nag lilinis ako sa parlor ay hindi ko maiwasan na hindi ma dumian ang suot ko.

"Ay sir hindi po sya manlilimos kasama ko po sya at pinapatawag po sya ni president" pag tatanggol sa akin ng babaeng kasama ko na Delaila pala ang pangalan.

"Ahh ganun ba? Pasensya kana miss ah" parang sa huli ay sya pang ang nahiya dahil sa mga nasabi neto.

"O-okay lang po yun kahit sino naman po siguro pag kakamalan akong nanlilimos dahil sa suot ko tapos ang dumi ku pa" sabi ko dito.

"Pasensya na po talaga, sige na po nasa office nya po ngayon si president kakarating lang kanina puntahan nyo nalang po" ngumiti at tumango ako sa kanya bago pumasok ng building.

Naka sunod paren ako kay Delaila at hindi ko maiwasan ma mangha sa ganda ng lugar na kina tutung tungan ko ngayon.

Madaming bumabati kay Delaila na para bang boss ren sya.

SGS#1: KILL HER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon