MAAGA akong nagising para bumili ng uling kina aling dyosa dahil baka maubusan nanaman ako dahil mabenta pa naman ang uling nila bukod sa mura na eh long lasting pa.
"Oh Kara ang aga mo ata ngayon" maligalig na bati sa akin ni natoy na anak na lalaki aling dyosa.
"Inagaahan ko talaga para hindi ako maubusan alam mo naman kelangan na kelangan namen ng uling dahil wala naman kameng kalan at gasul" sabi ko rito at nakangiti nyang inabot sa akin ang dalawang plastik ng uling at may pakindat pa.
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako kay natoy dahil alam ko na sa pag ngiti ngiti nyang yan ay may meaning at ayaw ko naman na ma miss interpert nya kapag ginatihan ko iyon.
Hindi kagwapuhan si Natoy maitim sya nalalaki at bungi bungi pa ang ngipin at maamoy den sa kanya ang malakas nyang putok dahil mukhang hindi ren na lalabhan ng maayos ang damit neto at palagi syang pawisin dahil sa pag gawa ng uling.
"Salamat Natoy" sabi ko nalang dito at iniabot ko ang sampung piso dahil kada isang plastic ng uling ay limang piso.
Pag ka uwi ko sa bahay ay nakita kong gising na si Daniel at kinukusot pa neto ang kanyang mga mata.
"Oh ang aga mo naman nagising Daniel wala naman pasok ngayon ah" nakangiti sabi ko rito.
"eh nay balak ko pong tulungan ka ngayon mag luto" sabi neto na pangiti naman ako at kinurot ang pisnge nya pag lapit sa akin.
"Naku daniel napaka sweet mo talagang bata ka, kaya lab na lab kita eh" sabi ko rito at kita ko naman na namula sya "osya halika dito ikaw ang mag papay sa uling kapag nalayaban ko na ito" sabi ko at sumunod naman sya sa likod bahay.
Nakatira lang kame sa isang abandonadong kubo na nabili namen sa limang libo lamang na iniwan sa amin ni Mother Isabelle.
May malawak na bakuran ito at pede pag lutuan at pag labahan, yung kubo naman ay medyo may kalakihan naren sakto lang kameng nakakatulog roon dahil nga marami rami den kame.
Kapag naman oras ng kainan ay sa loob kame nakain inililigpit ni nene ang pinag higaan namen at sabay sabay kameng nakain kung saan den kame na tutulog naka salampak kame dahik wala naman kameng mesa at upuaan.
"Nay okay na po tong uling" sigaw ni daniel kaya agad kong kinuha ang kawali at inilagay sa nag liliyab na mga uling.
Improvise lang ang lutuan namen nag lagay lang ako ng malalaking bato at pinalibot ko ito hanggang sa makagawa ako ng parang maliit na chimini pero may malaking butas sa taas pinatong ko roon ang binigay na katamtamang laking yero ni Dina na galing sa Jank Shop nila at binutasan ko lang ito ng katamtaman laki para kumasya roon ang pwet ng kawali namen, na bigay lang ni Angel na pinag gamitan nila sa pag fifishball nila.
Nang mainit na ang kawali ay inilagay ko na ang mantika at pinainit muna ito ng ilang secondo at inilagay ko naren ang bawang at sibuyas sabay sinunod ko ang dalawang delata ng corned beef na inutang ko kina Aling Mariposa na kapit bahay lang namen.
"Sarap ng almusal at tanghalian naten nay Corned beef" masayang sabi ni Daniel na pinapanood ako habang nag luluto.
Mapait akong napangiti dahil nalulungkot ako na eto lang ang napapakain ko sa mga bata puro delata lang at kung minsan tuyo lang ang masakaplap pa ay kung anong hagaan namen ay yun ren ang tanghalian namen.
"hmm ang bango naman nyan nay" napatingin ako sa kalalabas lang na si Den den at hawak hawak pa ang tyan na parang pina pahiwatig nya na nagugutom na sya.
"syempre naman luto ni nanay eh, osya den pedeng pakigising na ang mga kapatid mo para makapag hagaan na tayo" sabi ko den at agad naman nyang sinunod.
BINABASA MO ANG
SGS#1: KILL HER
RandomStreet Girls Series #1 The story of Klade Santiago Morano and Kara Ria Palomino. Madaming sekreto ang mabubunyag. Mga pag kakamaling hindi na ba maitatama? Mga sugat na hindi na mag hihilom. Mga planong pag sisihan sa huli. Death first before happ...