CHAPTER 20

3 0 0
                                    

GUMISING ako ng maaga dahil plano kong mag luto ng pagkain na dadalhin ko sa mga bata.

Dadalawin ko sila ngayon dahil miss na miss ko na sila at gusto ko ren na maka bonding na sila ni Vlade ulit dahil sigurado ako na miss na naren nya ang mga kapatid nya.

Nag luto ako ng kare kare at nag prito den ako ng Fried Chicken at eto na ren ang ihahatid ko kay Klade sa opisina nya.

Maaga kasi syang pumasok ngyaon dahil marami syang inaasikaso para sa event sa kumpanya nya.

Nang matapos akong mag luto ay inalagay ko na sa tupperwear ang mga ulam at pina asikaso ko na kay manang si Vlade.

Tinawagan ko na ren si Jaja na mag papa hatid kame sa kanya.

"Excited na akong makita sila nay miss na miss ko na po sila eh" masayang sabi ni Vlade habang tinutulak ko ang wheel chair nya palabas ng Mansion.

"Sure akong na miss kana ren nila" sagot ko naman sakanya.

Pag labas namen sa may pinto ng mansyon ay nandoon na si Jaja at naka sandal ito sa kotse nya.

Tinulungan nya akong i upo si Vlade sa back seat at inilagay naman nya ang mga pag kain wheel chair ni Vlade sa may compartment neto.

Ako naman ay pumasok na agad ako sa front seat sa tabi nya dahil balak kong makipag kwentuhan dito.

Matagal tagal na ren kameng hindi nag kikita at nag kekwentuhan.

Pag pasok nya ng kotse ay nagulat pa sya ng makita ako sa front seat pero nginitian ko lang ito at ngumiti lang ito ng pabalik sa akon kahit nag aalinlangan.

Pinaandar na nya ang kotse at hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang conversation namen dalawa dahil naka focus lang ito sa daan.

"Kumusta kana?" tanong ko dito.

"I'm fine, what about you?" balik na tanong nito sa akin.

"Okay lang den ako"

"That's good" tipid na sabi nya.

"Kumusta naman ang mga bata hindi naman ba sila makukulit?"

"Hindi naman, mababait sila" pakiramdam ko talaga ay may problema sya sa akin.

"May problema ba Jaja? Para kasing may kung anong pader ang nasa pagitan naten eh" kita ko na napalunok ito.

"I'm just thinking something Ria" walang emosyon na sabi neto.

"Ano naman yun?" nag aalalang tanong ko dahil mukhang sobrang importante ng iniisip nya at nag kakaganyan sya.

"I'm just wondering if i did something terrible to you would you still forgive me?" napakunot ako sa tanong nya at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko "J-Just forget what i said" pag bawi na sabi neto at kita ko ang pekeng pag ngiti nya.

"Siguro depende kung gaano ka terrible" sabi ko sabay sumandal ako at ngumuso.

"I hope you that you'll still going to forgive me" hindi ko narining ang sinabi neto dahil sobrang hina ng boses nya.

"Ha?"

"Nothing"

Pag dating namen sa bahay na tinitirahan ng mga bata ngayon ay nakita ko ang mga to na nag lalaro sa harap bahay.

Kaya ng pag baba ko ng kotse ay agad akong nakita ng mga to at kita ko ang mga saya nila.

"Nay!!" sigaw ni Nene at mabilis na tumakbo at yumakap sa akin at sumunod naman ang ibang bata.

"Akala po namen hindi na kayo dadalaw" nakangiting sabi ni Denden.

"Hindi naman pedeng hindi ko kayo dalawin no" sabi ko sa mga to at isa isa silang hinalikan sa pisnge.

SGS#1: KILL HER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon