Nakangiti ako habang nakatingin kina Nene at Jaja na nag uusap at panay ang kunot ng noo ni nene habang pinapakinggan ang mga sinabi ng kuya neto.
"Kuya ba talaga kita? Ehh hindi naman tayo mag kamukha eh ang pogi mo kaya tas ako panget" napailing at na pangiti naman si Jaja sa sinabi ni Nene.
"Maganda ka nenita manang mana ka nga kay Nanay eh" napanguso si Nene at kinurot ni Jaja ang pisnge neto.
Pinatulog ko na ang mga bata dahil oras na ren habang si Kikay naman ay inabutan ko ito ng dalawang libo at inabutan den sya ni Jaja ng tatlong libo bago umalis.
Sinabihan ko pa si Jaja na dapat hindi na nya binigyan pa ng pera si Kikay dahil malaki den ang ibinigay nya no.
Kanina pa nag uusap sina Nene at Jaja, kita ko naman na nag e-enjoy ang bata habang ka usap ang kuya neto.
"Osige na Nene, matulog kana roon mukhang antok na antok kana at alam kong may pasok ka pa bukas sabi sa akin ng nanay mo" tumango tango lang si Nene bago pumasok at hinalikan muna sya ni Jaja sa noo.
Pag ka alis ni Nene ay lumapit ako rito at umupo sa kina uupuan ni Nene sa tabi ni Jaja.
"Kumusta ka Ria?" sya ang unang nag salita sa amin.
"Eto kinakaya ko pa naman ang lahat Ja" sabi ko at ngumiti habang naka tingin sa kawalan.
"Akala ko hindi ko na kayo makikitang muli Ria dahil nung bumalik ako ay doon ko lang nalaman na nasunog pala ang kumbento at nang mag tanong ako sa mga tao kung nasaan kayo nila Mother Isabelle, ang sabi nila ay wala na si Mother Isabelle at ang ibang mga Madre dahil ng masunog ang kumbento ay hindi sila naka ligtas at tungkol naman sa mga batang inaalagan nila ay wala daw silang balitan hindi nila alam kung nasan na ba kayo" kita ko ang lungkot sa mga mata neto ng tinignan ko sya.
"Jaja, alam mo ba nung araw na nasusunog ang kumbento ay pumasok ka sa isip ko" mapait akong mapangiti at tinignan ang mga kamay ko "Ang sabi ko sa sarili ko noo habang naka tingin ako sa nag babagang hapoy na naka palibot sa amin ay kelangan kong makaligtas kasama si Nene at iba pang mga bata dahil sabi mo ay babalikan mo pa kame" hindi ko na naiwasang mapa luha dahil sumagi nanaman sa isip ko lahat ng sakit at pait nung araw na masunog ang kumbento.
"Masaya ako ngayon Ria dahil alam ko na buhay paren pala kayo ni Nene at alam mo ba kanina habang nasa elevator tayo ay doon ko lang na titigan ang mukha mo at doon lang kita na kilala pero nag aalinlangan paren ako na ikaw bata talaga si Ria na kababata ko dahil sa sobrang laki ng pinag bago mo"
Bigla ako nakaramdam ng pag ka hiya dahil sa sinabi nya, dahil hindi na ako katulad ng dati na may magandang kutis at maayos na pananamit.
Noong nabubuhay pa si Mother Isabelle ay siya lagi ang nag aayos sa akin at nag bibihis sa akin kaya kahit na sinong ma patingin sa akin noon ay iisipin nilang anak mayaman ako.
"Mas lalo kang gumanda ngayon Ria" nilingon ko si Jaja na nakatitig sa akin at agad den akong napa iwas dahil pakiramdam ko ay namula ako.
"A-Ano bang sinabi mo, sobrang losyang ko na nga eh" nahihiyang sabi ko at hindi ako makalingon dito.
"Trust me Ria you look more beautiful than before" napalunok ako dahil sa titig neto sa akin at kitang kita ko sa mga mata nya ang sensiridad.
"Ahm... Ikaw pala kumusta ka anong naging buhay mo ng sumama ka kay Father Obet" pag iiba ko ng usapan dahil baka matunaw na ako sa titig neto at lalo pa akong mamula.
"It's very hard at first but i use to it na ren but nung katagalan ay i felt something strange to Father Obet" tahimik lang ako nakikinig sa kanya at hindi ako maka paniwala sa mga kinukwento nya sa akin ngayon.
BINABASA MO ANG
SGS#1: KILL HER
De TodoStreet Girls Series #1 The story of Klade Santiago Morano and Kara Ria Palomino. Madaming sekreto ang mabubunyag. Mga pag kakamaling hindi na ba maitatama? Mga sugat na hindi na mag hihilom. Mga planong pag sisihan sa huli. Death first before happ...