CHAPTER 13

2 0 0
                                    

ABALA ako sa pag aasikaso sa mga bata dahil lilipat na nga ang mga ito, lahat ng damit at mga mahahalagang bagay nila ay inihanda ko.

Katulong ko naman sina Kikay at Jaja sa pag aasikaso sa mga ito.

Naisipan ko den na isama si kikay sa pag lipat para na ren may ma kasama ang bata na kilala nila ayaw ko naman na hindi nila kilala yung mag aalaga sa kanila at baka i recommended ko na ren sya kay Klade para may trabaho den ang bata.

"Ate lagay ko na batong box na to sa likod ng van?" tanong ni Kikay habang buhay buhay ang isang medyo kalakihan na kahon.

"Ahh oo sige okay na ren naman yan" sabi ko rito.

"What about this one?" turo naman ni Jaja sa mga echo bags.

"English english pa hindi naman bagay" narinig ko sabi ni Kikay at bigla naman naiinis roon si jaja.

"What did you say?" hindi pala narinig ni jaja ang sinabi ni kikay.

"Wala sabi ko ilalagay ko nato" lumabas ni Kikay habang bitbit ang box.

"Sige na Ja ilagay mo na roon yan salamat" bahagayang ngumiti sa akin bago lumabas ng bahay.

"Nay sakay na ren ako doon sa van ah" pumsok mula sa likod ng kubo di Daniel at mukhang nanguha ito ng seresa sa puno sa may likod ng bahay.

"Sige na anak nandoon na mga kapatid mo" ngumiti ako dito at patakbo naman syang pumunta roon.

Pag balik ni Kikay ay napansin ko na medyo na mumula ang mukha neto na para bang nilalagnat sya.

"Okay ka lang ba kikay?" nag aalalang tanong ko rito.

"Oks na oks lang ako te" ramdam ko ang hiya neto.

Kinuha neto ang isa pang box bago lumabas.

Nag kasalubong pa sila ni Jaja sa may pintuan ng kubo at nang mag katinginan sila ay biglang mabilis silang nag iwasan ng tingin.

"Ako na dyan Kara" kinuha ni jaja ang tinatali kong box at hinayaan ko nalang sya hindi ko ren kasi alam pan itali sya halos nag tali ng mga box.

"Teka bat namumula yang kabilang pisnge mo?" nag tatakang tinitignan ang kaliwa netong pisnge na pulang pula.

"May sumampal na panget sa akin"

"Ha?" hindi ko narinig ang sinabi nya dahil pabulong lang yun.

"Ahh, ano kasi tumama yung pinto ng Van sa akin kanina hindi ko na pansin tas sa sobrang malas ko sa mukha ko pa tumama" kita ko na pilit itong tumawa.

"Masakit ba? Kuhanan kita ng yelo teka tingin ako sa tindahan na palapit dito" sabi ko rito at hinahaluglog ang bulsa ko para hanapin ang wallet ko.

"Wag na ok lang ako hindi naman masyadong masakit tsaka baka malate na tayo" hindi ako sumagot at hinayaan ko nalang ito.

Kinuha ko na ang ibang karga at dinala ko nasa Van at nag volunteer na ren si Jaja na sya na bahala sa ibang na iwan.

Pag dating ko sa Van kita ko ang mga bata na nag lalaro kasama si kikay sa loob ng Van.

"Nay, dito tabi tayo" itunuro ni Nene ang upuan sa tabi nya.

Umupo naman ako sa tabi nya at ngiting ngiting naman ito.

"Nay excited na po akong lumipat" pumapalak pak pa na sabi ni Nene.

"Ako den po!!" singit naman ni Denden na nasa likod pala namen.

Nginingitian ko lang sila habang nag kekwento ng mga gagawin nila kadating sa bahay na lilipatan namen.

Wala pa den akong idea kung saan at anong itsura ng bahay hindi kasi ako nag tanong dahil ayaw ko naman isipin nila na excited akong lumipat.

SGS#1: KILL HER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon