PAG BALIK namen ng bahay ay naabutan ko si Jaja na nasa kotse nya at mukhang kanina pa nag hihintay.
Nang makita ako neto ay agad syang lumabas ng kotse nya at kinuha ang wheel chair ni Vlade at sya na ang nag tulak dito at nag prisinta na ren sya na sya na ang mag buhat sa bata.
"Mamaya pang hapon ang labas ni Nene sa iskuwelahan ang aga mo, nag lunch ka na ba? May dala akong pag kain ba ka gusto mong kumain?" pag aaya ko rito.
"Hindi ok lang ako na kain na ako bago ako umalis ng M.S corporation actually kaya napaaga ako dito ay pinapabigay ni Boss to" bigla nyang inabot sa akin ang kahon na hawak nya at ng buksan ko ito ay isang mamahalin na cellphone iyon.
"W-Wala akong pambayad rito" gulat na akong nakatingin sa kanya.
"Don't worry sa tingin ko hindi naman nya pinapa bayad, btw anong meron sainyo ng boss ko? Are you working for him? o may relasyon kayong dalawa?" panunuri nito sa akin napa tikim muna ako at sumenyas na sa labas kame mag usap dahil malapit lang sa amin si Vlade na tahimik na nag babasa ng libro.
"Ano kasi..." panimula ko nung maka rating na kame sa labas.
Kwento ko lahat sa kanya ng mga nang yare simula doon sa simbahan hanggang sa pag kakalason ni Kin at sa pag tanggap ko ng offer ng boss nya.
"Pero i'm already here Ria, hindi mo na kelangan gawin yung trabahong yun, i'm willing to support the kids too, tutulungan kita sa mga pangangailangan nila" hinawakan nito ang dalawang kamay ko at kita ko sa mga neto ang pag aalala at sinseridad.
"Ja, hindi mo naman ako obligasyon at ang mga bata okay na si nene nalang ang pag tuonan mo ng pansin sa ngayon dahil matagal na panahon ka na nyang hindi na kakasama wag mo na kameng intindihin kaya nanamen to" hinaplos ko ang mga kamay nito habit ang hinlalaki ko at matamis na ngumiti rito.
"Ria alam mo naman na ayaw ko lang may mangyaring masama sayo and knowing my boss, he has a dark side baka saktan ka nya and worst he can kill you kapag may nagawa kang pag kakamali kahit konti pa yun" pag aalalang sabi nito.
"Ja, okay lang ako kaya ko okay? Kung mamatay edi mamatay" peke akong tumawa kahit na kinakabahan ak dahil sa mga sinabi nito tungkol sa amo nya.
"You're still the ria i know the most stubborn one" binitawan nya ang mga kamay ko at sinuklay ang mga daliri nya sa malabot nitong buhok "but promise me be careful and i will always look for you ng hindi nya alam, but i already warn you that guy is a beast" hindi na iwasan mapalunok dahil sobrang seryoso neto habang binibitawan ang mga katagang iyon.
SUMAPIT ang hapon ay labasan na ng mga bata nag volunteer si Jaja na susunduin nya ang mga ito kaya pumayag na ako dahil mas makakasam nya ren si nene.
Halos late na silang naka uwi ng bahay dahil sabi ni Jaja ay sinama pa daw nya ang mga bata sa Ice Cream shop at binili nya ren ito ng mga laruan at pag uwi pa nila ay may dala pa silang pasalubong para kay Vlade.
Agad den umalis si Jaja pag ka hatid nya sa mga bata dahil pinatawag na daw sya ng boss nya at mukhang hindi pa ito nag paalam na matatagalan.
"Nay ang ganda po ng barbie ko oh" masayang hiniwawagayway ni Nene ang hawak nyang Barbie at kita ko ang ngiti nito sa labi nya.
Hindi ko tuloy maiwasan malungkot kung sakaling maisipan ni Jaja na isala na sa kanya si Nene dahil mas may karapatan sya sa bata kahit na hindi sabihin ni jaja alam kong gusto na nyang makasama ang kapatid nya.
"Oo nga anak kamukha mo ang barbie na yan" sabi ko at ganun lang ang pag aalaka ko nang biglang lumungkot ang naka ngiti nyang labi kanina.
"Nay ang ganda po ni barbie eh pano ko po sya naging kamukha?" malungkot ang tono ng boses neto kaya agad kong nilapitan sa kinalulugaran nya sa may kahoy na upuan habang ang mga kapatid nya nasa labas ng bahay at nag lalaro ng mga fidget spinner.
BINABASA MO ANG
SGS#1: KILL HER
RandomStreet Girls Series #1 The story of Klade Santiago Morano and Kara Ria Palomino. Madaming sekreto ang mabubunyag. Mga pag kakamaling hindi na ba maitatama? Mga sugat na hindi na mag hihilom. Mga planong pag sisihan sa huli. Death first before happ...