UMUWI muna ako ng bahay bago mag biyahe papunta ng balibago dahil pakiramdam ko ay sobrang baho ko na. Halos dalawang araw naren kasi akong hindi na liligo.
Ayaw ko den na mapag kamalan nanaman akong mamalimos dahil sa itsura ko kaya sinigurado ko na maayos ang suot kong damit at nag pabango den ako na bigay pa ni Angel.
Pag dating ko sa M.S Corporation ay binati ako ni Manong Guard at tinanong nya pa ako kung si president daw ba ng companya nila ang hanap ko.
Nang sinabi kong oo ay tinuro neto na nasa 25th floor daw ang boss nya sa may Conference room at may nagaganap daw na meeting sinabi pa neto na hintayin ko nalang ang President nila sa office neto at nandoon naman ang sekretarya nya.
Sinunod ko ang sinabi ni Manong guard at agaran ng nag elevator hindi ko na ren kinailangan pumunta ng front desk dahil parang mga walang pake naman ang mga naroon sa akin.
Pag dating ko sa office ng taong pakay ko ngayon ay na abutan ko roon si Cyrill na nasa labas ng pintuan.
"Si Mr. President po ba kelangan nyo ma'am?" magalang na tanong neto sa akin.
"Ah oo pero sabi ni kuyang guard na may meeting pa ata sya" nahihiyang sabi ko rito.
"Yes po, kung gusto nyo ay hintayin nyo nalang po sya rito sa loob ng Office nya" pinag buksan ako ni Cyrill ng pinto at pina upo sa black leather na sofa.
"Gusto nyo po ba ng coffee, juice or anything?" tanong sa akin ni Cyrill.
"Hindi na okay lang ako maraming salamat nalang" nahihiyang pag tanggi ko dito.
"Sige po ma'am sa labas na muna po ako at kung may kailangan po kayo ay tawagin nyo nalang po ako for sure den po ay patapos ng ang meeting nila Mr. President" ngumiti lang ako rito at pag katapos ay lumabas na ito.
Pag kalabas nya ay tumayo agad ako at nag lakad lakad at napansin ko ang mga painting na naka dikit sa diding at mukhang mamahalin ang mga iyon dahil ang elegante ng pag kaka pinta.
Nang magawi ako sa desk ni Mr President nila ay hindi ko iwasang tignan ang mga gamit nito hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa isang picture frame.
Makikita dito ang masayang mukha ng Mr. President nila habang may isang magandang babae ang naka halik sa pisnge nito.
Hindi si Charlin iyon dahil kakaiba ang aura ng babaeng nasa litrato dahil kung titigan mo sya ay maamo ang mukha nya pero may halo den ng pagiging mataray at matapang sa itsura neto.
Agad kong binitawan ang litrato na hawak ko ng bigla kong marinig bumakas ang pintuan at lumayo ako sa desk dahil baka akala nya pa ay may balak akong nakawin ang mga nandoon lalo na at may relo pa roon.
"You came back?" ngisi ang binungad sa akin ng lalaking kanina ko pa hinihintay.
"Ahh O-oo" hindi ko alam pero nahihiya at nag kakanda utal pa ako habang kaharap ito.
"As i expected" nag lakad ito pa upo sa desk nya habang kinakalas ang neck tie nya.
"Ha?" wala sa sariling tanong ko rito.
"So let's talk about your monthly salary" napakunot ang noo dahil sa sinabi neto.
"Aba teka wala pa naman akong sinasabi ah" halos pa sigaw na sabi ko rito.
"Then talk?" tinaasan ako bigla neto ng kilay "I know that you came here because you want to accept my offer so tell why are you here?" dagdag pa nya.
"Hmm totoo na nandito ako para umoo sa offer mo pero may mga condition den ako bago i accept yung offer mo" kagat labing sabi ko rito.
BINABASA MO ANG
SGS#1: KILL HER
RandomStreet Girls Series #1 The story of Klade Santiago Morano and Kara Ria Palomino. Madaming sekreto ang mabubunyag. Mga pag kakamaling hindi na ba maitatama? Mga sugat na hindi na mag hihilom. Mga planong pag sisihan sa huli. Death first before happ...