NAKATULALA lang ako ng bigla akong paluin ni Dina sa braso kaya napatingin ako rito.
"Hoi babaita bat ang lalim ng iniisip mo ah?" nag tatakang tanong neto.
"Ah wala may iniisip lang" pilit akong ngumiti rito at mukhang napansin nya iyon.
"Tara na" anyaya ng kaka rating lang na si Angel.
Nag patulong kasi ito na pumunta ng sementeryo dahil dadalawin daw neto ang yumaong Ate neto.
"Buti dumating ka pa kanina pa kame nag hihintay ni Kara dito sa kanto eh" kunwareng na iinis nasabi ni Dina.
"Sorry na Hehe" nilambing naman ito ni Angel.
Sumakay na kame ng Jeep pa punta ng Aguso dahil doon naka libing ate nya.
Pag baba namen sa kanto ng aguso ay sumakay pa kame ng Tricycle dahil malayo layo pa kung lalakarin namen mainit den.
"Hanggang ngayon takot ka paren pumunta dito ano?" nang aasar na sabi ni Dina kay Angel na nakapit sa kanya.
"Syempre naman baka may biglang mag paramdam eh" sabi naman ni Angel.
Napapailing nalang ako habang nakatingin sa kanila na sabay nag lalakad na nasa unahan ko.
Kaya ng mapahinto ang mga to ay humint den ako.
"Sino yung lalaking yun?" takang tanong ni Dina kay Angel.
Sinilip ko naman ang pinag uusapan nilang lalaki at nang makita ko ito ay parang familiar ito sa akin hindi ko lang makita to ng maayos dahil malayo sya.
"Ex ni ate" walang buhay na sabi ni Angel.
"Oh edi tara ex lang pala ng Ate mo eh kala ko kung sino bigla ka nalang humihinto eh" akmang lalakad na si Dina ng mahinto sya ng hindi mag lakad si Angel na naka kapit sa kanya.
"Hintayin nanateng maka alis sya, i don't want to see him" sabi neto.
"Wow napapa english ka nanaman" natatawang sabi ni Dina na hindi pinansin ni Angel.
"Ano ba kasing meron sa lalaking yan at ayaw mong lapitan naten" maangas na tanong ni Dina at hindi naman sumagot si Angel.
"Uy angel" pag tawag ng atensyon neto dito at agad ko naman hinawakan sa braso si Dina at nilingin ako neto at inilingan ko sya na na gets naman nya.
Ilang oras lang naka yuko si Angel hanggang sa umalis yung lalaking nasa puntod ng ate nya.
Lumapit na kame sa puntod neto at nag tirik ng kandila si Angel at nilagay ang isang Crossine na tinapay sa puntod neto na sa tingin ko ay paborito ng ate nya dahil kada na dalaw kame roon ay yun ang binibitawan nya roon.
"S-Siguro A-Ate nag sorry na sya ano?" ramdam ko ang basag na boses ni Angel.
Lumapit ako kay Dina at napansin kong may binulsa itong kandila na galing sa kabilang puntod.
"Dina alis muna tayo hayaan muna naten si Angel" bulong ko rito at sumang ayon naman sya.
Nag lakad muna kame palayo kay Angel pero hindi naman ganun kalayo natatanaw paren namen sya.
Kita ko na parang nag pupunas ito kahit na nasa malayo kame.
"Kung hindi kaya namatay Ate ni Angel sa tingin mo nakatapos ren kaya sya nag pag aaral?" nilingon ko si Dina na seryoso den nakatingin kay Angel.
"Siguro" sagot ko naman dito.
"Hayss hindi mo talaga malalaman kung kelan ka mawawala no? Hindi mo alam kung bukad ba o ngayon o malaya o sa makalawa na" ngumuso ito pero seryoso paren ang mukha.
BINABASA MO ANG
SGS#1: KILL HER
RandomStreet Girls Series #1 The story of Klade Santiago Morano and Kara Ria Palomino. Madaming sekreto ang mabubunyag. Mga pag kakamaling hindi na ba maitatama? Mga sugat na hindi na mag hihilom. Mga planong pag sisihan sa huli. Death first before happ...