NASA hospital kame ngayon, nakahawak ako sa kamay ni Kin habang mahimbing itong na tutulog sa hospital bed.
Napag alaman kasi na food poison ang dahilan bat nalason ito at hindi naman matukoy kung anong pag kain ang nag lason sa kanya.
Dahil ng tanongin ko ang mga kapatid neto ay ang sagot lang nila ay huli nilang nakitang kumain si Kin ay noon sa feeding program tapos nun ay nag ka hiwa hiwalay na sila para pumasok sa classroom nila.
Malabong pag hinalaan na yung pag kain sa feeding program ang may lason dahil si kin lang ang nalason sa kanila at wala namang nang yaring masama sa mga kapatid nya na syang pinag papasalamat ko.
Naka usap ko ang doctor ni Kin at ang sabi naman neto ay Stable ang bata kaso hindi pa sure kung kelan sya gigising dahil ayun sa vitals signs nya ay medyo na short ang oxygend nya dahil naren siguro sa kakasuka nya.
Na pa sama pa sa isipin ko ang bill ng hospital hindi naman kame maka hingi ng tulong sa iskwelahan dahil hindi naman na patunayan na lay kinalaman sila sa pag kalason ni Kin.
Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas ngayon pagod na pagod ang katawan ko at malapit ng sumuko.
Iniwan ko na muna ang mga bata sa bahay at pinabantay kay kikay nag iwan ako ng limang daan sa kanya at pinabili ng pag kain ang mga bata at kung sakali man na may maramdaman na masakit ang iba sa mga bata ay sabi ko na agad itong tumawag sa trycicle upang i hatid sila sa hospital.
*Tok *Tok isang katok ang nag pagising sa aking utak na kanina pa malalim ang iniisip.
Bumakas ang pinto at bumungas si Natoy na may hawak ng supot na mukhang nag lalaman ng pagkain dahil medyo naamoy ko ang afritado roon.
"Kara kumain ka na muna nag dala ako ng Afritada at kanin binili ko roon kina Bebang" sabi neto at inilapag sa may taas ng drawer sa may gilid ng kwarto ang pag kain.
"Mamaya na ako kakain wala pa akong gana eh" walang buhay na sbai ko rito.
"Kara wag kang mag papa lipas ng gutom ah tsaka nga pala kung sakali man na nangangailangan ka ng pera ay pede ko naman ipahiram muna yung pera na inipon ko para sa college ko sayo, pede pa naman akong mag enroll sa susunod na taon at makapag ipon ulit" binalingan ko ng tingin si Natoy at kita ko sa mata nya ang pagiging sisiridad nya.
"Hindi na Natoy masydo ng malaki na tulong mo sa amin i tago mo nalang yang pera at lalo na para yan sa kinabukasan mo gagawan ko nalang ng paraan ang ibabayad ko ko rito sa hospital" nagulat ako ng bigkang hawakan ni Natoy ang isang kamay ko.
"Kara hindi ko na ako aangal sa gusto mo pero sana kapag nag bago isip mo ay pede mo paren akong lapitan at malugod kong ipapahiram saiyo yung pera" marahan akong tumango at ngumiti rito.
Nag kwentuhan pa kame ni Natoy bago ito mag paalam na uuwi na dahil maaga pa daw sya mag titinda ng uling bukas sa palengke.
Buong gabi lang ako gising at hindi ako makatulog dahil sa mga iniisip ko at dahil na ren siguronsa pag aalala kay Kin.
Naka tulala lang ako kay Kin na naka higa ngayon sa hospital bed habang may suwero sa kamay nya.
Napa hilamos ako ng mukha ng sumagi nanaman sa akin ang kelangan bayaran sa hospital dahil walang wala talaga ako at hindi pedeng hindi ko agad mabayaran ang hospital bill ni Kin pag ka gising nya dahil pedeng ma baon kame ng utang rito.
Habang malalim akong nag iisip ay biglang sumagi sa isip ko ang offer sa akin ni Manong na mag panggap bilang gf nya iniisip na kapag ba tinaggap ko yun ay pede kaya akong huminga ng paunang sahod para may pambayad ako sa hospital ni Kin.
Kinuha ko mula sa bulsa ko ang kapirasong papel na bigay nung Manong na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan dahil wala naman nakalagay na pangalan sa calling card nya tanging nakalagay lang ang pangalan ng Company nya.
BINABASA MO ANG
SGS#1: KILL HER
RandomStreet Girls Series #1 The story of Klade Santiago Morano and Kara Ria Palomino. Madaming sekreto ang mabubunyag. Mga pag kakamaling hindi na ba maitatama? Mga sugat na hindi na mag hihilom. Mga planong pag sisihan sa huli. Death first before happ...