CHAPTER 19

2 0 0
                                    

LUMIPAS ang ilan araw at nakauwi na kame sa Pilipinas at gaya ng sinabi ni Klade ay nililigawan ako neto.

Palagi ako netong binibigyan ng bulaklak at mga tsokolate tuwing uwi ito galing trabaho at napapadalas naren ang pag hatid ko ng pag kain sa kanya sa opisina nito.

Ngayong araw ay niyaya ako netong mag date kame at kaya eto ako nag aayos.

Hindi ko alam kung anong susuotin ko dahil wala ren akong maayos na damit sa cabinet buti nalang ay tinulungan ako ni Angel na mag hanap na susuotin.

"Sino ba kasi yang ka date mo ah?" tanong neto habang kinukulot neto ang buhok ko.

"Ipapakilala ko ren sya kapag sinagot ko na sya" tugon ko naman dito.

"Nakuu, ikaw ah marunong ka ng humarot" pang aasar neto sa akin.

Nag insist naren kasi itong ayusan ako kaya pumunta ako sa kanila para hindi na nya kailangan pang puntahan ako tsaka ayaw ko den malaman nya na sa isang mansion ako nakatira.

Habang inaayusan ako neto ay naamoy ko ang adobo na niluluto ni Tay Arnie na tatay ni Angel.

Biglang bumaliktad ang sikmura ko at parang masusuka ako kaya agas akong napatayo at pumunta sa banyo nila.

Buti nalang ay nasa sala kame kaya mabilis akong naka punta sa banyo nila at nakita ko namang sumunod sa akin si Angel.

"Okay kalang?? May sakit kaba Kara?" ramdam na ramdam ko ang nag aalalang boses neto.

"O-Okay langa ko medyo na hilo lang" pag sisinungaling ko at nang maramdaman ko na ok na ako ay lumabas na ako sa banyo.

Nag aalala paren sa akin si Angel at inalalayan ako neto pabalik sa kina uupuan ko kanina kung saan nya ako inaayusan.

"Sure kana ok kalang ah?" pag uusisa nya at tumango naman ako.

Buti nalang ay wala na yung amoy ng adobo at medyo bumuti na ang pakiramdam ko.

Pinag patuloy na ni Angel ang pag aayos sa akin at nang matapos kame ay sobrang saya naman nya at pumapalakpak pa.

"Ang ganda mo naman beshy ko" sabi neto.

Tinitignan ko ang sarili ko salamin at namangha den ako sarili kong itsura ngayon dahil iba ang aura ko ngayon.

"Uyy nandyan na ata sundo mo" may bumusina sa labas at tingin ko si Jaja na yun.

"Thank you ah Angel"

"Wala yun malakas ka sa akin Beshy" sabi neto at tinulungan ako tumayo.

Naka suot ako ngayon ng fitted dress na hanggang tuhod na kulay pink at isang parang ng takong na kulay pink den.

Inalalayan ako neto hanggang sa maka labas ng bahay nila.

Nakita ko naman na lumabas si Jaja sa kotse nya at inalalayan akong makapasok.

"Ingatan mo kaibigan ko ahh ikaw ba ka date nya?" pag uusisa ni angel kay Jaja.

"Sana nga ako nalang eh Pero hinde" hindi ko narinig ang sinabi neto dahil bigla na nyang sinara ang pintuan.

Nakita ko naman ang pag suntok ni Angel sa braso neto at tumawa.

Kumaway na sakin si Angel at kumaway den ako pabalik sa kanya.

Pag pasok ni Jaja sa kotse ay agad na nya itong pinaandar at tahimik lang to buong biyahe.

Hindi sya nag salita o hindi man ako neto nilingon at medyo na ninibago ako roon.

Mahigit isang oras ang biyahe namen dahil medyo na traffic pa kame papuntang san fernando dahil nang galing pa kasi kame sa Mabalacat.

Huminto ang sasakyan sa isang eleganteng restaurant.

SGS#1: KILL HER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon