This chapter is dedicated to Ms. Jovelyn Aspera :)
Thanks for following meeee and putting my story into your RL!Please vote, comment and follow! =))
---------------------------------------------
[Louis' POV]
♪♪ You look so beautiful today
When you're sitting there
it's hard for me to look away
So I try to find the words that I could say
I know distance doesn't matter
but you feel so far away ♪♪
Nandito ako ngayon sa isang restaurant kung saan nasa harap ako ng maraming tao. Ngayon ang tamang oras para kantahan ang pinakamaganda at pinakamamahal kong babae sa buong mundo. Hindi ko talaga masyadong makita ang mukha niya pero alam na alam ko sa puso ko at nararamdam ko na maganda siya. Ang lakas kaya ng sense ability ko.
Pero bakit ganun? Bakit hindi ko makita ang mukha niya? Para siyang isang silhouette.
Another day without you with me
Is like a blade that cuts right through me
But I can wait, I can wait forever
When you call my heart stops beating
When you're gone
it won't stop bleeding
But I can wait, I can wait forever ♪♪
Tinitignan ko siya ngayon, tinitignan niya rin ako at para bang hindi ko alam ang reaksyon niya. Natutuwa ba siya? Naiiyak?
♪♪ You look so beautiful today
It's like every time I turn around I see your face
The thing I'll miss the most is waking up next you
When I look into your eyes, man I wish that I could stay.
Nilalapitan ko siya at nararamdaman kong para bang masaya siya, masayang-masaya. Pero bakit ganito? Habang lumalapit ako sa kaniya dumidilim ang paligid namin? Bakit biglang bumilis ang lakad ng mga tao? At unti-unti siyang lumalayo sa'kin, palayo ng palayo.
Tumakbo ako para habulin siya pero para bang hindi ako umaalis sa aking pwesto.
"HINDEEEEEEEEE!!!"
*PAK
Minulat ko ang mga mata ko at sabay naramdaman ko ang pagtama ng eraser na binato ni Ma'am Dimaano sa mukha ko. Hinawakan ko naman ang parte ng mukha ko na naheadshot ni Ma'am.
"Mr. Leewen, why are you sleeping during our math class?" Galit na galit na sabi ni Ma'am na halos kumunot na ang mga wrinkles niya sa mukha.
Naririnig ko namang tumatawa ang mga bugok kong kaibigan.
"S-sorry Ma'am." Sabi ko.
Panaginip lang pala yung kanina. Grabe, kinabahan ako dun ha.
Maya-maya kinalabit ako ni Vince.
"Huy pare, ano bang nangyari sayo kagabi, napuyat ka ba?"
Tumingin ako sa kaniya para sagutin ang tanong niya nang bigla naman itong humagalpak sa katatawa.
"WAHAHAHA! Yak ka naman dre! Tignan mo oh, may laway ka pa." Sabi pa niya sakin habang tuloy pa rin sa pagtawa pero mahina lang kasi baka batuhin din siya ng eraser ni Ma'am Dimaano, takot lang niya.
BINABASA MO ANG
Unfortunately, Everything Has Changed [ON GOING]
HumorWe all want our favorite character to be the star of the story , right? What if suddenly, everything has changed? Magpapatuloy ka pa bang suportahan siya? Maybe the true question is papayag ka ba? Let's see. -- by: Pizzalayne (TheDespicableGirl)