Chapter 4: Meet Nameme

306 9 8
                                    

[ Abigail's POV ]

Yesss. Pahinga day! Kagigising ko pa lang at ang ganda agad ng araw ko nang malaman kong weekend pala ngayon. Kinuha ko agad yung phone ko dahil baka nagtext na si papa, every morning kasi nagtetext yun lagi sa'kin.

Pagtingin ko sa phone ko nabigla ako dahil may 5 new messages. Wow ang dami ata? Oo yan na nga ang pinakamaraming texts na natanggap ko. Ako na talaga walang social life. HUHU.

At sino naman kaya 'to? Tinignan ko yung mga nagtext sakin.

from Papa ♥

> Goodmorning Anak :)

> Going to work, pahinga ka lang anak. Alam kong pagod ka sa school.

from +634*********

> Hey, how are you? Goodmorning btw :)

from +630*********

> Hoy! Naiwan mo yung bag mo, bumalik ka dito!

> Ge, bahala ka.

A-anu raw? Yung bag ko naiwan ko sa school?! Agad kong tinigan yung lalagyanan ng bag ko.

Ay sasawan ni mangtomas! Naiwan ko nga! At sino naman kaya itong nagtext sa'kin? Napaka O.A. naman niya. Mukhang galit na galit siya sa'kin dahil lang sa naiwan ko yung bag ko? Siguro naman akong walang magkaka-interest dun sa bag ko e. Pipitsugi lang kaya yun. Kaya ok lang yun, mayayaman naman silang lahat. 

E kasi naman eh, pati ba naman bag makakalimutang iuwi? Ako na talaga! Ako na shunga shunga!

Oo nga pala, nahihilo pala akong umuwi kahapon kaya siguro, nawala na sa isipan ko yung bag ko. 

At dahil nga wala akong load para matanong kung sino sila, hindi na ako nagreply. Sino ba naman ang magrereply ng walang load?

Tumayo na ako sa kinahihigaan ko at pumunta na ng kitchen para kumain. Nagprito ng hotdog, nagtimpla ng kape at hinanda ang Gardenia. (Author: Wala pong endorsing na nagaganap dito.)

Pagkatapos kong kumain, kinutuhan ko pa muna yung aso ko na si Nameme. Ang tsuge ng pangalan niya noh? Panahon pa lang kasi ng hapon pinanganak na yan kaya unfortunately, ang Lolo kong si Lolo Steve ang naabutan niya, kaya yun, Nameme ang pinangalan niya. Ewan ko ba kung saang lupalop niya nakuha ang pangalan na yun pero sobrang sanay na sanay na ako dahil araw-araw kong nakakasalamuha yang si Nameme. Askal lang siya but furry kaya minsan napagkakamalang imported. O ansabe?

Pinaliguan ko na rin siya for after how many years. Hindi pa kasi siya naliligo kaya ang baho-baho na niya. Sa pagkakaalam ko, sobrang tanda na niya kaya naman sobrang alagang alaga ako sa kaniya. Mahal na mahal ko kaya yang aso naming yan. One and only kasi eh.

Habang pinaliliguan ko si Nameme, bigla akong may narinig na kanta.

Alaala, Alaala, Alaala

Araw-araw ay naghihintay sa'yo
Dala-dala ang pangarap na hindi nabuo~

Napapakanta naman ako habang sinasabunan si Nameme.

"Bawat alaala mo'y nagbabalik. Hindi pa rin malimot ang mga sandali ♪♫"

Ganda talaga ng kantang yan. Favorite ko kaya yan, ringtone ko pa nga yang song na yan eh.

Ringtone? Saan nga ba nanggagaling yung kanta? Agad-agad akong kumaripas ng takbo papunta dun sa bintana dahil dun ko iniwan yung cellphone ko.

May tumawag pala. Sino naman kaya ito? Number lang eh.     

[ACCEPT]  

"Hello?" Sagot ko agad.

Unfortunately, Everything Has Changed [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon