Chapter 28: Betrayal?

152 4 3
                                    

Dedicated to zelosshi_27 :D
Thaaaaaaaaaaaaanks po!! :*

------------------------

[ Abigail's POV ]

Nakaupo lang ako dito sa isang habang naghihintay.

*PAK!

"Akala mo masisipsip mo yang dugo ko ah. Mukha mo!" Sabi ko sa lamok na kumagat sa akin.

Gabing-gabi na rin kasi eh *tingin sa orasan* quarter to 10PM na kaya pinagpepyestahan na ako ng mga lamok dito.

Ano bang dahilan ni Shayne at pinapapunta niya ko dito sa park? Siguro naman hindi kami magsha-shop ng ganitong oras noh kasi sigurado ako sarado na ang mga Malls ngayon at kung anu mang d'yan na pwedeng pasyalan at bilhan.

Anong oras na ah, ang tagal naman niya.

Hindi kalayuan ay may narinig akong naguusap na grupo ng isang lalaki.

Tinignan ko ito ng saglit.

Nakakatakot ang mga mukha nila. Ang lalaki ng mga katawan. Hindi yung laki na nakakapanglaway, yung nakakdiri! Huhuhu, nakakatakot!

Agad ko ring iniwas ang tingin ko dito, baka sabihin nila pinagnanasaan ko sila, which will never happen.

Naramdaman kong ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako.

Nung naririnig kong palakas ng palakas ang mga yapak ng grupo ng mga lalaking yun ay pumikit na lang ako.

NANDIYAN NA SILAAA. AYAN NAAA.

Idinilat ko ang aking mga mata.

Sige ako na assuming masyado! Feeling ko naman kung anong gagawin nila sa'kin. Wew. Ibang klase ka rin talaga Gail.

Naghintay lang ako nang naghintay kay Shayne.

*tingin sa orasan*

10:34PM

Darating pa ba yun? Baka naman jino-joke niya lang ako. O baka naman nagtext siya sa'kin ng "Gail sorry hindi na tayo tuloy". Bakit ba naman kasi lowbat yung cellphone ko, iniwan ko tuloy sa bahay na nagchcharge.

Siguro nga hindi na yun pupunta.

Tatayo na sana ako sa'king kinauupuan nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Hinarap ko ito agad.

Isng negrong lalaking malaki ang katawan. Para siyang isang body guard ng isang sikat na artista sa unang tingin. Nabigla naman ako sa nakita ko. Grabe ang dami nila. Agad namang tumibok ng mabilis ang puso ko. Kinakabahan nanaman ako.

*dug dug dug dug

Pinagpapawisan na rin ako sa kaba at takot. Mukha pa lang nila eh halatang may gagawin silang masama sa'kin. This time sure ako na hindi na ako nagaassume lang!

Pero mas nagulat sa susunod na nakita ko at medyo nakahinga na rin ng maluwag.

"Sh-shayne? Shayne ikaw ba yan?!" Sigaw ko kay Shayne. Nakahinga ako ng maluwag dahil nga sa nakita ko na siya. Hindi ko naman talaga siya nakikita ng buo, medyo madilim kasi. Bwisit na street lights yan walang kwenta. Pero buhok pa lang niya at tindig, kilalang kilala ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga yan.

Hindi siya sumagot sa tawag ko sa kanya at pinaliligiran siya ng mga negrong lalaking 'to. Patuloy lang ako sa pagtawag sa pangalan niya pero hindi niya lang ako pinapansin. Nakita kong may ibinulong siya sa mga negro at sumakay na sa isang sasakyan.

Ha? Ano 'to? Naguguluhan ako. Bakit niya ko iniwan sa mga negrong 'to?

Bigla tuloy bumalik ang kaba sa puso ko. Unti-unting lumalapit sa'kin ang mga negrong nasa harap ko at sa bawat paglapit nila ay umaatras ako.

"Sino kayo?! Anong kailangan niyo sakin?!" Sabi ko habang nanginginig. Hindi sila sumasagot katulad nung ginawa ni Shayne sa'kin kanina. Si Shayne ba talaga yun? Anong bang drama ba 'to? Kung biro lang 'to, please tama na dahil natatakot na talaga ko. Please lumabas na yung mga hidden cameras d'yan!

*BOOOGSH!

Bigla akong natumba dahil sa biglaang pagkakasuntok ng negrong iyon sakto sa mukha ko. Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo at tuluyan nang nawalan ng malay.

--

"Abigail!! Abigail!!! Abigail gumising ka!!" Nararamdaman kong may yumuyugyog sa'kin.

Ugh, nasan ba ako? Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Ulap. Mga puno. Mga taong nakapalibot sa'kin. Si Lance. Yan ang mga nakikita ko.

"Abigail? Abigail ayos ka lang?" Sabi niya sabay inalalayan akong umupo. Halata sa mukha ni Lance ang pagkataranta dahil sa kalagayan ko.

"L-Lance.. anong nangyari sa'kin?" Halos pabulong na sabi ko sa kaniya. Masakit ang katawan ko. Nabugbog ba ako?

"Abigail 'wag ka magalala. Dadalhin kita sa hospital."

Tumawag si Lance ng tricycle at yun dinala ako sa hindi ko alam na hospital.

"Abigail ano bang nangyari sayo? Bakit may pasa ka sa braso at binti mo?" Tanong sa'kin ni Lance.

Agad ko namang tinignan yung mga braso ko at binti ko.

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari sakin. Isip, isip, isip Gail...

Shayne?! Shayne ikaw ba yan?!

*BOOGSH

"Si Shayne..."

"Bakit? Anong meron kay Shayne?"

Hindi maaari. Hindi niya 'to magagawa sakin. Bestfriend niya ko kaya hindi niya 'to magagawa. Napaka-imposbile!

"Abigail?" Bigla akong natauhan nang tawagin ni Lance ang pangalan ko.

"S-Salamat Lance ha. Salamat kasi tinulungan mo 'ko."

"Ha? Ah, eh. Sa totoo niyan may nagtext sa'kin kung nasaan ka ngayon.. unkown number siya e. Kaya nga pumunta na agad ako sa sinabi niyang lugar at buti na lang nakita kita agad."

"A-ano? At sino naman kaya yung nagtext sayo?"

Sobrang naguguluhan talaga ako. Ibig sabihin yung nagtext kay Lance alam yung nangyari sa'kin?

Walangjong mga negro yun na nangbugbog sa'kin. Ang sama nila! Ang sama nung nagutos sa kanila na bugbugin ako. Si Shayne kaya? Aaargh. Imposible talagaaa! Mas maganda kung tanungin ko na lang sa kaniya para makasigurado ako.

[Third Person's POV]

"Hindi ka ba titigil? Ha?!" Sabi ng isang babae sabay sampal sa kausap nito.

"Ano ba talagang gusto niyong gawin ha? Bakit kailangang umabot sa ganito?!" Sabi naman ng isang babaeng halos maiyak iyak na, hindi dahil sa takot, kung hindi dahil sa galit.

"B*tch! Kailangan pa bang tanungin yan?!" Sabi nito at muling sinampal ang kaawa-awang bihag nito.

Nagpupumilit na makawala ang babae mula sa mga mahihigpit na tali sa mga kamay at paa nito.

"'Wag niyyong idadamay ang mga magulang ko kung ayaw niyong may mangyaring masama sa inyo! Mga walang puso!" Sigaw nito sa tatlong babaeng nasa harap niya.

Nagtawanan naman ang tatlong babae. "Matagal na kaming walang puso dahil sa pagdating ng walanghiyang babae na yun! At ikaw! Kinumbinsi mo pa! At ngayon, papayag ka sa plano namin hindi sa gusto mo, kung hindi dahil kailangan mo!" Sabi nito sabay umalis na ng kwarto.

Iyak pa rin ng iyak ang babaeng nakagapos. Hindi na niya alam ang pipiliin niya. Ang mga magulang na may posibilidad na mamatay dahil lamang sa isang desisyon o ang matalik na kaibigang kailangang layuan ng dahil lamang sa isang masamang misyon ng tatlong babae na yun?

Unfortunately, Everything Has Changed [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon