Chapter 11: Sunog Kilay

192 8 7
                                    

[ Abigails' POV ]

Monday morning and as usual, whole day ang pasok. Naghanda na 'ko ng mga dadalhin ko para sa school at saka lumabas ng bahay.

"Arf arf!" 

"Ay kalabaw!" Nagulat na lang ako nung biglang tumahol si Nameme. Ay aso pala.

"Ano ka ba naman Nameme. Pupunta lang akong school. Sige, Ingatan mo 'tong bahay ha." Kinausap ko muna si Nameme ng kaunti at hinawak-hawakan 'to at tuluyan na 'kong umalis.

Habang naglalakad, sinalpak ko yung earphone ko sabay nagpatugtog.

It started out as a feeling
Which then grew into a hope
Which then turned into a quiet thought
Which then turned into a quiet word

And then that word grew louder and louder
Til it was a battle cry
I'll come back ♪

Though malungkot na kanta 'to, nage-enjoy pa rin akong pakinggan 'to. Hindi naman sa napaka-senti kong tao. Sadyang masarap lang sa pakiramdam ang kantang 'to. Habang tumutugtog, nakisabay na rin ako.

"All you can do is try to know who your friends are as you head off to the war. Pick a star on the dark horizon and follow the light. You'll come back when it's over. No need to say good bye.." At may papikit pikit chaka pa 'ko rito sa daan.

*BLAG

Nawalan ako ng balance nang bigla akong tumama sa isang bike. Oo bicycle nga! At hindi siya nakatingin sa daan kaya nabangga niya ko! Kaabnormalan! 

Tumayo na 'ko agad at inayos ang suot kong uniform. Buti na lang hindi kukay white ang uniform namin kung hindi malilintikan siya sa'kin pag pumasok ako ng mukhang batang paslit.

Tumingin naman sa'kin yung kuya na nakasakay sa bike. Tinignan niya 'ko ng masama at ganun din naman ako sa kaniya. Ano sa tingin niya? Na porket lalaki siya matatakot ako sa kaniya? In his wildest dreams!

"Ano bang ginagawa mo d'yan at hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo bata?" Sabi niya sa'kin sabay tumayo at sabay hawak sa likod. Akala mo nirarayuma na. E mukhang binatilyo naman ang isang 'to ah. Imposible namang may rayuma na siya?

Ano bata raw?? Mukha ba 'kong baby para tawaging bata?!

"Ako pa? E ikaw nga 'tong nakasakay sa bike e, hindi mo ba 'ko nakita?" Sagot ko naman sa kaniya. Nakita kong nagkasalubong ang mga kilay niya. Nagalit pa ata siya lalo?

"Aba't ang lakas mo rin e noh! Paano ba naman kasi papikit-pikit ka pa d'yan habang nakaearphones! Feel na feel mo naman ata masyado yung kanta? E nainis ako kaya binangga kita." Sabi niya sabay belat sa'kin.

Mas lalo lang akong nabwisit sa sinabi niya. "So sinadya mo pala yun?!" Sigaw ko.

Akma kong susugurin siya pero mas mabilis pa sa rabbit ang pagsakay niya sa bike niya at kumaripas na.

Aaaargh! Nakakabwisit kasi hindi ako nakaganti sa kaniya! Ano naman kung feel ko nga yung kanta? Pakilamerong bastos, walang galang sa babae!

--

No. 21 question is 'What is the largest organ in our body?'

Okay ano naman ang sagot dito? Nagq-quiz lang naman kami about  sa Human Anatomy. Loko talaga 'tong si Sir Casipit, bigla-biglaang nagbibigay ng quiz. Kesyo daw surprise at para malaman niya kung ilan na ang natitirang stock knowledge namin. Aaaargh! Ipitin ko siya jan ehh, mataba pa naman siya. 

'a.Eyes b.Hair c.Skin d.All of the above'

Hmmm, e kung mageenie miniemo na lang kaya ako? Bahala na si Green Lantern sakin, B. Hair na lang isasagot ko. Then binilugan ko na yung letter B.

Unfortunately, Everything Has Changed [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon