[ Abigail's POV ]
Hindi na ako nagpalate pa sa school. Sigurado akong maraming papasok ng maaga ngayon kasi balik eskwela na nga ulit. At sa pagkakaalam ko, may flag ceremony kami ngayon ng exactly 6:30AM kaya pumasok na rin ako agad.
"Abi! Dito ka, fasteeer!"
Nilingon ko kung sino yung nagsalita.
"Em!" Tawag ko naman sa nickname niya. Dali-dali akong pumunta sa harap niya at dun na pumila. Wala naman kasing find your height or alphabetalized yung pila e. Basta kung saan mo matripang pumwesto, doon ka.
"So, how are you? Namiss ka namin ah!" Excited nitong sabi at saka tinapik ng pabiro ang braso ko.
"Ako rin, namiss ko kayo!" Sabi ko rin naman sa kanila.
Totoo yan, walang halong biro. Itong tatlong 'to, sila na lang ang natitirang matalik kong kaibigan dito sa school.
Maya-maya lang ay nagsalita na ang Principal. Hindi naman ganoong kahaba ang speech niya. "Just always remember SPians, ang gumagawa ng mabuti ay hinding-hindi magbubunga ng masama." At saka siya bumaba ng stage. Agad rin naman kaming nagpalakpakan.
Para sa'kin mabait ang principal namin. Hindi yan katulad ng ibang principal na corrupt kahit wala naman sa politiko. Ang ganda ganda nga ng SP Academy e kaya masasabi kong tunay siyang magaling. Siguro sa haba ng stay ko dito sa school, every year, nagiimprove 'to. And paiba-iba rin ang theme nito. Pero pinakafavorite ko sa lahat ng naging theme nito, ang Festive Academians. Kapag araw na kasi nun, iba't-ibang booths ang makikita mo sa field. Hindi lang sa field, bawat room dito sa SP Academy, may sari-sariling pauso. May wedding booth, may dating booth, photography booth, gaming boot at ang pinakapaborito ko sa lahat ng booth, ay ang eating booth na kung saan bago ka makakain ng masasarap na pulutan, e may kailangan kang gawin na challenge. And take note! Hindi easy challenges ang mga binibigay nila. Yung tipong duduguin ka muna at saka pagpapawisan ng matindi before you finish a challenge. Kung bakit ko alam? Syempre every year, tina-try ko yun. And luckily for me, nakakain ko ang lahat ng pagkain na gusto ko sa booth na yun.
Naeexcite na nga ako e! Malapit na mag-December. Sigurado ako, maguumpisa nang magannouce ang principal about it sa mga susunod na araw.
"Hey! Haven't you heard?" Narinig kong sabi ni Emerie na ngayo'y nasa likuran ko.
Kumunot naman ang noo ko, "Ang alin?"
"About Shayne and Jeffrey?"
Sa sinabi niyang yun parang may biglang sumaksak sa puso ko. Anong tungkol sa kanila? Sila na ba?
"H-Huh? A-alin? Ano meron?" Triny ko ang best ko para hindi niya mahalatang kinakabahan ako. Natatakot kasi ako sa kung anong malalaman ko tungkol sa kanila. Gusto kong malaman pero natatakot ako sa posibleng katotohanan.
"Sila ang napiling representative ng buong fourth year to participate in TA's King and Queen!" Dire-diretsong sabi nito.
Oo nga pala. Sa araw ng Festive Academians, may event dun na kung saan bawat year, may representative para sa event na The Academy's King and Queen kung tawagin. Sila pala ang napili? Pero kailan sila nagpilian? Ni hindi ko nga alam na may nangyari pa lang pilian. E 'di sana nakatutol pa 'ko. Pero joke lang. Ayoko na ring makagulo pa sa kanila. Ayokong maging kontrabida sa love story nila.
"Ahh ganun ba." Yun na lang ang nasabi ko sa kaniya.
Matapos ang flag ceremony, agad na kaming pinapunta sa sari-sarili naming mga rooms. Sabay-sabay na kaming apat nina Emerie na pumunta sa room. Pero letse lang talaga ni destiny, pagpasok na pagpasok namin naaninag ng mata kong naguusap sina Shayne at Jeffrey. Hindi ako sigurado kung napansin ba nilang nakatingin ako sa kanila, basta agad na lang akong umiwas ng tingin. Nagkunwari na lang ako na wala akong nakikita.
BINABASA MO ANG
Unfortunately, Everything Has Changed [ON GOING]
HumorWe all want our favorite character to be the star of the story , right? What if suddenly, everything has changed? Magpapatuloy ka pa bang suportahan siya? Maybe the true question is papayag ka ba? Let's see. -- by: Pizzalayne (TheDespicableGirl)