Chapter 43: Sweet Threats and Confessions

24 1 2
                                    

[ Shayne's POV ]

I don't know what to do anymore. Pakiramdam ko napakawalang kwenta ko ng tao. Why would I even have to do this sh**s? To satisfy them? To make them happier na may sinisira silang tao? Bakit ganito... ang hina hina ko na. Parang hindi na ako 'to...

Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa mga mata ko. Agad ko 'tong pinunasan para hindi mapansin ng ibang tao na umiiyak ako. Nahihirapan na kasi ako. I'm confused in everything.

Pagkatapos nung ginawa ko kay Gail doon sa birthday party ni Alexis sa Palawan, I thought tapos na ang lahat lahat ng ginagawang kademonyohan ng tatlong babaeng 'to and everything's gonna be fine. But then nagkamali ako. Hindi pa raw iyon enough to make her (Gail) life's miserable. Napakademonyo talaga! How could a person ever thought of such? Dahil ba sa inggit? Sa revenge? Pero bakit? Para saan? I don't even remember a time Gail did something bad to them. Even a single touch ni Gail sa kanila, wala akong maalala.

Nandito ako ngayon sa Pancake House malapit sa school holding a small, cute, lavender paper. Heto nanaman ang tatlong 'to na binibigyan ako ng "LOVE EMAIL RAW". They're so full of sh**. Ang daming alam. Actually, almost everyday nakakareceive ako nito. Maybe 2 or 3 times a day. As if gustong-gusto kong nakakatanggap nito. Nakasulat lang naman dito e "Goodmorning friend" at with kiss emoticon pa.

F#*$ them.

Napakaplastic!

Spoiled brat sonofabtch!!!

Manloloko!

Wrecker of lives!

Evil!

S@*$&*"#!!

Gusto kong sabihin sa kanila ang lahat ng iyan sa pagmumukha nila ngayon kaso ang hindi ko lang maintindihan e kung bakit sa tuwing nakakatanggap ako ng mga messages nila e bumibilis na ang tibok ng puso ko at agad agad na 'kong pinagpapawisan. Why am I so scared sa fact na they could destroy our lives too. Hindi lang ako, pati ng mga magulang ko. Yung mga mahal ko sa buhay. Selfish na ba ako na nagagawa kong saktan ang bestfriend ko kaysa masaktan ang parents ko? Pero hindi ko na rin alam ang gagawin ko. I DO NOT WANT any of these things to happen.

Nung una, sinubukan kong sabihin kay Gail ang lahat kaso pinagtangkaan akong takutin nila Emerie na sisiguraduhin nilang I'll regret doing such things. Mga baliw na nga talaga sila. Kinain na sila ng mga inggit nila. Hindi ko alam kung anong kaya nilang gawin sa ngayon pero isa lang ang sigurado ko. They can do everything even makapatay pa sila. Hindi ko naimagine na kaya pala nila 'tong gawin. I thought sa mga palabas and stories lang 'to nangyayari but hindi, nandito na ako ngayon sa sitwasyon ngayon.

Paano ko 'to matatapos? Kailangan ko ng taong makakatulong sa'kin and I need to make sure na hindi nila 'to malalaman or else baka maging worse lang ang mga mangyari.

[ Abigail's POV ]

"Mahal kita." Sabi niya habang diretso na nakatingin sa'kin.

"H-huh?" Yun lang ang nasabi ko sa mga sinabi niya. Nakakainis naman kasi e! Ang hirap ng gan'to.

Halata namang nairita siya dahil sa sinabi ko. "Ang sabi ko mahal kita. Ang bingi bingi mo e noh?"

Maiinis na sana ako sa sinabi niyang ang bingi bingi ko kaso naisip kong nasa practice kami at the moment kaya nagfocus na lang ako sa line na sasabihin ko.

"M-mahal d-din kita J-Jeff. . . "

Eerr. Ang awkward talaga nito. Nauutal-utal pa ako.

"Cut! Ano ba naman yan guys? Nakailang take na tayo ha? Aabutin tayo ng siyam siyam dito kung pati simpleng lines niyo e hindi niyo pa maperfect agad. Susmaryosep!" Inis na sabi ni Nico habang nakapameywang pa.

Unfortunately, Everything Has Changed [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon